Tulong Pederal Lumampas ng $375 Milyon for Cook County

Release Date Release Number
039
Release Date:
Nobyembre 16, 2023

CHICAGO – Ang tulong pederal sa mga residente ng Cook County na naapektuhan ng matinding bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2 ay lumapas na ng $375 milyon. Itong halaga ay kinabibilangan ng mga gawad ng FEMA na higit sa $280 milyon na Pang-Indibidwal at Pansamabahayan na mga gawad para sa tulong sa pag-upa, pondo sa pagkukumpuni at pagpapalit, at iba pang mga gawad na tumutulong sa pagpalit ng personal na pag-aaari at magbigay ng bayad sa pag-imbak at pangangalaga ng bata. Bilang karagdagan sa mga gawad ng FEMA mayroong higit sa $96.6 milyon sa mababang-interes na pautang sa sakuna ng Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) para sa mga may-ari ng bahay at negosyo.

Heto ang buod ng tulong sa sakuna ng FEMA mula noong Nobyembre 15:

  • Higit sa $280 milyon ang inapruba para sa pinansyal at direktang serbisyo sa mga kwalipikadong nakaligtas na nagkaroon ng walang-seguro o may kakulangan sa seguro na pangangailangan at gastos na idinulot ng sakuna. Mula sa halagang iyon, $241 milyon ang para sa tulong sa pabahay. Kinabibilangan ito ng:
    • Mga pondo para sa pansamantalang tirahan, tulad ng tulong sa pag-upa o gastos sa hotel para sa mga nakaligtas na hindi kayang tumira sa kanilgn mga bahay dahil sa labis na pagkasira na idinulot ng pagbaha sa tag-init; 
    • Mga pondo para sa pagpapaayos ng isang bahay na tinirhan ng may-ari na gawin itong ligtas, tiyak, at matitirahan; 
    • Mga pondo para tumulong sa paglipat at pag-imbak ng mga gamit pangbahay o kinakailangang personal na ari-arian;
    • Tulong pinansyal para tumulong sa mga may-ari ng bahay sa paglilinis at kalinisan ng mga bahay na mayroong kaunting pinsala;
  • Ang mga natitirang pondo ay ibinayad bilang: 
  • Panggastos sa medikal at dental na nauugnay sa sakuna.
    • Tulong sa pangangalaga ng bata, limitado sa walong linggo. 

Mula noong Nobyembre 14, iginawad ng U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) ang $88.3 milyon sa mababang-interes na pautang sa sakuna sa mga may-ari ng bahay na may mga bahay na nagtamo ng malawak at magastos na pinsala na kaysa sa masasaklaw ng isang gawad ng FEMA. Iginawad din ng SBA ang higit sa $8.2 millyon sa mga pautang sa sakuna upang tulungan ang mga negosyo na makabangon muli.

Habang natapos na ang panahon ng aplikasyon, ang mga nakaligtas na nag-apply para sa tulong ng FEMA ay dapat manatiling nakikipag-ugnayan sa FEMA. Kung mayroong pagbabago sa iyong numero ng telepono, kasalukuyang address sa koreo, impormasyon sa bangko o seguro, dapat mong ibigay-alam ito sa FEMA o maaari mong makaligtaan ang mga mahalagang tawag sa telepono o liham. Magkaroon ng kamalayan na ang mga tawag sa telepono mula sa FEMA ay maaaring magmukha na magmula sa mga hindi kilalang numero. Siguraduhin mo na nasa FEMA ang iyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at sagutin mo ang telepono dahil maaaring tumawag ang FEMA para makakuha ng karagdagang impormasyon para sa iyong aplikasyon.

  1. Maaari mo ring i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa parehong paraan na maaari mong makuha ang sagot sa iyong mga katanungan:
  • Pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov.
  • Gamitin ang app ng FEMA para sa mga smart na kasangkapan.
  • Tumawag sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585). Ang mga libreng-toll na numero ay bukas mula 6 n.u. hanggang hatinggabi ng lokal na oras, araw-araw. Ang mga gumagamit ng serbisyo ng relay tulad ng teleponong may bidyo, InnoCaption o CapTel ay dapat magbigay sa FEMA ng kanilang tiyak na numero ng telepono na natalaga sa serbisyong iyon.

Kapag tinawagan ka, nasa espesyalista ng FEMA ang iyong numero ng pagrerehistro sa FEMA, numero ng telepono at address ng nasirang pag-aari. Maaari nilang hingin sa iyo ang unang apat na numero ng iyong numero sa pagpaparehistro sa FEMA. Hindi sila hihingi ng pera; libre ang pag-apply para sa tulong ng FEMA. Dahil maraming nakasalalay sa pagkakaroon ng wastong impormasyon, mahalaga na maaari kang matawagan ng FEMA. Magkaroon ng kamalayan na ang mga tawag sa telepono mula sa FEMA ay maaaring magmula sa mga hindi kilalang numero. Mangyaring siguraduhin na nasa FEMA ang iyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. 

Kung nanghihinala ka tungkol sa isang tumatawag, tawagan mo ang Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) upang tiyakin na sinusubukan kang maabot ng FEMA. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. 

###

Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo).

Tags:
Huling na-update