Patuloy na nagpapatupad ang Task Force ng Supply Chain ng estratehiyang nagma-maximize sa pagiging available ng mahahalagang pamproteksyon, at pansagip-buhay na resource sa pamamagitan ng FEMA para sa pagtugon ng buong America. Nakatuon ang mga pagsusumikap hanggang ngayon sa pagpapaliit sa agwat ng kapasidad ng medikal na supply chain para matugunan at mapahupa ang pressure sa demand sa kapasidad ng medikal na supply.
Naglalapat ang task force ng paraang may apat na bahagi na Pagpreserba, Pagpapabilis, Pagpapalawak, at Alokasyon para mabilis na maparami ang supply ngayon at mapalawak ang lokal na produksyon ng mahahalagang resource para maparami ang supply nang pangmatagalan.
Nakatuon ang pagpreserba na pagsusumikap sa pagbibigay ng pederal na gabay sa mga responder at sa hindi medikal na sektor, gaya ng pampublikong serbisyo (pulis, bumbero, EMT), pamamahagi ng enerhiya, at ang industriya ng pagkain sa kung paano magpreserba ng mga supply kapag posible, para mabawasan ang epekto sa medikal na supply chain.
Nagbibigay ng mga direktang resulta ang pagpapabilis na pagsusumikap para makatulong sa pagtugon sa demand para sa personal na kagamitang pamproteksyon sa pamamagitan ng industriya para bigyang-daan ang mga responder na makakuha ng mga supply nang mabilis hangga’t posible.
Nakaatas sa pagpapalawak na pagsusumikap ang pagbuo ng kapasidad sa mga tradisyonal at hindi tradisyonal na manufacturer, gaya ng pagdaragdag ng makinarya o ng pagre-retool ng mga assembly line para bumuo ng mga bagong produkto.
Pinangangasiwaan ng alokasyon ng mga supply ang pamamahagi ng ganap na kinakailangang personal na kagamitang pamproteksyon sa "mga hot spot" para sa agarang muling pagsu-supply. Nag-uulat ang mga estado tungkol sa mga supply at nakakahiling ang mga ito ng tulong kapag nakakaranas ang mga ito ng kakulangan.
Nakikipagtulungan ang Task Force ng Supply Chain sa malalaking komersyal na tagamapahagi para pangasiwaan ang mabilis na pamamahagi ng mahahalagang resource sa mga lokasyon kung saan pinakakailangan ang mga ito. Nagbibigay-kakayahan ang partnership na ito sa FEMA at mga pederal na partner nito na gumawa ng paraan laban sa COVID-19 sa buong America. Binibigyan ng task force ang mga tagapamahagi ng pinakabagong impormasyon tungkol sa mga lokasyon sa buong bansa na pinakaapektado ng COVID-19 o sa mga lugar kung saan pinakakailangan ang mga resource ngayon at sa hinaharap. Sumang-ayon ang mga tagapamahagi na ituon ang bahagi ng kanilang mga ipinapamahagi sa mga lugar na ito para mabawasan ang pagdurusa ng mga American.
Ang Project Air Bridge ay isang mahalagang halimbawa ng kumikilos na partnership na ito. Ginawa ang air bridge para mas mabilis na matanggap ng mga tagapamahagi ng medikal na supply sa U.S. ang kanilang PPE at iba pang mahalagang supply papasok ng bansa para sa kani-kanilang mga customer. Sinasagot ng FEMA ang gastos sa pagpapadala ng mga supply sa U.S. mula sa mga pabrika sa ibang bansa, na nagpapaikli sa oras ng pagpapadala sa ilang araw na dating umaabot ng ilang linggo.
Dumarating ang mga flight galing ibang bansa sa mga bukas na hub airport para sa pamamahagi sa mga hotspot at lokasyon sa buong bansa sa pamamagitan ng mga karaniwang supply chain. Hindi nangangahulugan ang mga pagdating ng flight na ipapamahagi ang mga supply sa mga bukas na lokasyon ng hub. Ayon sa mga kasunduan sa mga tagapamahagi, para sa mga customer sa mga hotspot na lugar na may pinakamalaking pangangailangan ang 50 porsyento ng mga supply sa bawat eroplano. Ilalaan ang natitirang 50 porsyento sa karaniwang supply chain ng mga tagapamahagi para sa kanilang mga customer sa iba pang lugar sa buong bansa.
Tinutukoy ng HHS at FEMA ang mga hotspot na lugar batay sa data ng CDC.
Kapag nagtutulungan tayo, maayos nating maipapamahagi ang mahahalagang resource na ito sa mga ospital, nursing home, pasilidad ng pangmatagalang pangangalaga, medikal na serbisyo bago isugod sa ospital, pang-estado at lokal na pamahalaan, at iba pang pasilidad na mahalga sa pangangalaga sa mga American habang nagaganap ang andemyang ito.