ANCHORAGE, Alaska – Ang lunsurang pagkakasuali mula sa sakuna sa Wasilla ay magsasara na sa Miyekules, Mayo 15 ng 7 n.g.
Ang lunsuran ay nasa lokasyong ito:
Christ First United Methodist Church
2635 S. Old Knik Rd, Wasilla AK 99654
Ang lunsuran ay magiging Lunsuran ng Outreach sa Pautang sa Sakuna (Disaster Loan Outreach Center) ng Kapisanan ng Maliliit na Negosyo ng Amerika (U.S. Small Business Administration (SBA), at bubukas bilang DLOC ng 9 n.u. sa Huwebes, Mayo 16, sa parehong lokasyon. Ang bagong oras ng operasyon ng DLOC ay Lunes hanggang Biyernes mula 9 n.u. hanggang 6 n.g.
Ang mga kawani ng serbisyong pantao ng SBA ay nasa DLOC para makipagpulong sa mga may-ari ng negosyo at residente para sagutin ang mga tanong, ipaliwanag ang programang pautang sa sakuna ng SBA, at ikumpleto ang kanilang inaprubang pautang sa sakuna.
Ang tulong ay mabibigay pa rin sa mga napinsala ng lindol noong Nob. 30:
•Linya ng Tulong: 800-621-3362 (FEMA), voice/VP/711. Ang gumagamit ng TTY ay makakatawag sa 800-462-7585.
6 n.u. hanggang 9 n.g. araw-araw
•Bumisita sa DisasterAssistance.gov
•Bumisita sa kahit anong lunsurang pagkakasuli sa sakuna:
University of Alaska Annex | Community Covenant Church |
Para sa karagdagang impormasyon o para makahanap ng malapit na lokasyon tumawag sa SBA sa 800-659-2955, bumisita sa www.sba.gov/disaster, o mag-email sa disastercustomerservice@sba.gov. Ang mga taong bingi o mahina ang pandinig ay makakatawag sa 800-877-8339 (TTY).
Ang huling araw ng pag-aplay para sa pautang sa sakuna ng SBA para sa pinsala sa propyedad ay Mayo 31, ngunit para sa maliliit na negosyo at karamihan ng pribadong walang-tubong organisasyon ng iba’t ibang laki, nag-aalok ang SBA ng Pautang Pang-pinsala sa Pangkabuhayan Dahil sa Sakuna (Economic Injury Disaster Loans) para makatulong matugunan kakailanganing puhunan na sanhi ng sakuna. Tulong sa pinsala sa pangkabuhayan ay makukuha hindi alintana kung nagdanas ang negosyo ng pinsala sa ari-arian.
Ang huling araw ng pag-aplay para sa pinsala sa pangkabuhayan ay Nob. 1, 2019. Ang mga may-ari ng negosyo ay makaka-aplay sa kahit anong lunsuran o sa internet sa pamamagitan ng ligtas na website ng SBA sa https://disasterloan.sba.gov/ela.
Ang presyo ng interes ay kayang maging kasing baba ng 3.74 porsyento para sa mga negosyo, 2.75 porsyento para sa pribadong walang-tubong organisasyon at 2 porysento para sa mga may-ari ng bahay at umuupa na may tuntunin hanggang 30 taon. Ang halaga at tuntunin ng pautang ay itinakda ng SBA at base sila sa sitwasyong pinansyal ng bawat aplikante.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakasauli mula sa sakuna sa Alaska, bumisita sa FEMA.gov/tl/disaster/4413, Twitter.com/FEMARegion10 at Facebook.com/FEMA.