Mabibigay Ang Tulong Pagkatapos Magsara Ang Mga Lunsuran Ng Pagkakasauli Sa Sakuna Sa May 31

Release Date Release Number
NR 028
Release Date:
May 17, 2019

ANCHORAGE, Alaska – Ang mga lunsuran ng pagkakasauli dahil sa kapamahakan (disaster recovery centers) na nagbukas sa Anchorage at Eagle River para tumugon sa lindol sa Alaska earthquake titigil ng operasyon sa Mayo 31, ang huling araw para makarehistro para sa pederal na tulong sa sakuna.

 

Ang mga nakalistang lunsuran ng pagkakasauli sa ibaba ay magsasara ng 7 n.g. Biyernes, Mayo 31.

 

  • University of Alaska Annex at University Center Mall

            3901 Old Seward Highway, Suite 153

Anchorage, AK 99503

 

  • Community Covenant Church

          16123 Artillery Rd.

          Eagle River, AK 99577

 

Pagkatapos magsara ang mga lunsuran ng pagkakasauli, ang mga residente ng Alaska ay makakakuha ng mga update tungkol sa kanilang aplikasyon, makakaalam tungkol sa proseso ng apela o makakaalam tungkol sa kalagayan ng kanilang claim sa pamamagitan lang ng tawag sa telepono.

  • Tumawag sa linya ng tulong sa 800-621-3362 (FEMA), voice/VP/711. Makukuha ang tulong sa karamihan ng wika. Ang gumagamit ng TTY ay makakatawag sa 800-462-7585. Bukas ang linya araw-araw mula 6 n.u. hanggang 9 n.g.
  • Bumisita sa FEMA online sa DisasterAssistance.gov.

 

Ang huling araw para maka-aplay para sa tulong sa sakuna ay 11:59 n.g. Biyernes, Mayo 31.

 

Ang mga opisyal ng pagkakasauli ay humihikayat sa mga residenteng nagrehistro na para sa tulong sa sakuna na manatiling nakikipag-ugnay sa FEMA. Kung ang aplikante ay nagpalit ng tirahan o numero ng telepono, dapat nilang balitaan ang FEMA tungkol sa pagbabago. Ang impormasyong kulang o mali ay makakaantala at makakareulta ng abala sa pagtanggap ng tulong.

 

Ang pederal na tulong ay mabibigay sa karapat-dapat na indibidwal at sambahayan sa Bayan ng Anchorage, Distrito ng Mat-Su at Distrito ng Tangway ng Kenai.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakasauli sa sakuna ng Alaska, bumisita sa  FEMA.gov/tl/disaster/4413, twitter.com/FEMAregion10 and Facebook.com/FEMA.

Tags:
Huling na-update noong