SACRAMENTO, Calif. – Ang mga nakaligtas sa sunog sa California na nawalan ng mga mahalagang dokumento ay maaaring mangailangan ng mga kapalit upang makapag-aplay sa mga serbisyo at makatulong na muling itaguyod ang kanilang mga buhay.
Ang patnubay na ito ay magbibigay ng mga pag-uugnay at mga malalapitan upang mapalitan ang mga mahalagang dokumento. Lahat ng mga organisasyon na nakalista sa ibaba ay makapagbibigay ng mga mapagkukunan sa online. Kung walang personal na computer na magagamit, ang mga aklatang pampubliko at iba pang mga ahensya ay maaaring may mga computer na magagamit para sa pangkalahatang publiko.
Dokumento | Kanino Makikipag-ugnay para sa Kapalit
Tarheta ng EBT
- Ang CalFresh ng California ay bahagi ng programang pederal na kilala bilang Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP – dating kilala bilang Food Stamps). Para sa nawalang kapalit ng tarheta ng EBT tumawag sa 877-328-9677 kaagad o makipag-ugnay sa iyong lokal na panlalawigang manggagawa ng serbisyo sosyal.
Mga Sertipiko ng Kapanganakan at Pagkamatay
Ang California Department of Public Health ay nasa www.cdph.ca.gov o
916-445-2684. Sertipiko ng Kapanganakan:: $25 butal. Sertipiko ng Pagkamatay: $21 butal.
Nawalang Green Card
- Pumunta sa www.uscis.gov at kumpletuhin ang Form I-90, Application to Replace a Permanent Resident Card, at ilagay ito sa online o sa pamamagitan ng koreo.
- Tumawag sa 800-375-5283 upang alamin ang katayuan ng aplikasyon.
California Driver License
- Bumisita sa opisina ng California Department of Motor Vehicles upang kumpletuhin ang isang aplikasyon o punuin ang form sa online sa www.dmv.ca.gov. Ang mga form ng kapalit na lisensya ay kailangang dalhin ng personal. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 800-777-0133.
Mga tseke sa banko, mga tarheta ng ATM/Debit o Safe Deposit Boxes
- Makipag-ugnay sa iyong institusyong pampinansyal o kumuha ng impormasyon ng kaugnay mula sa Federal Deposit Insurance Corporation sa pamamagitan ng pagtawag sa 877-275-3342 o sa pagpunta sa www.fdic.gov.
Mga tarheta ng kredito
- Makipag-ugnay sa nagbigay na institusyon:
- American Express: 800-992-3404 o www.americanexpress.com
- Discover: 800-347-2683 o www.discover.com/credit-cards/help-center/
- Master Card: 800-627-8372 o www.mastercard.com/cgi-bin/emergserv.cgi
- Visa: 800-847-2911 o www.usa.visa.com
- PAALALA: Kung hindi mo maalala ang lahat ng iyong tarheta ng kredito na nasa iyo, kumuha ng isang ulat sa kredito mula sa alinman sa tatlong pangunahing kawanihan ng kredito.
Ulat ng Kredito
- Equifax, Experian or TransUnion: 877-322-8228 o www.annualcreditreport.com
Tarheta ng Social Security
- Social Security: 800-772-1213 or www.ssa.gov
Mga Alerto ng Pandaraya o isang Credit Freeze
- Mga Alerto ng Pandaraya: Tumawag sa identity theft helpline sa 877-438-4338 or Makipag-ugnay sa Federal Trade Commission sa www.ftc.gov
Tarheta ng Medicare
- Pangasiwaan ng Social Security: 800 633-4227 o www.ssa.gov
Pasaporte
- U.S. Department of State, Passport Services, Consular Lost/Stolen Passport Section: 877-487-2778 o travel.state.gov/content/travel/en/us-visas/visa-information-resources/lost-stolen-visas.html
U.S. Savings Bonds
- U.S. Department of Treasury: 844-284-2676 o www.treasurydirect.gov
Tax Returns
- Internal Revenue Service: 800-829-1954 o I-download ang form ng Request for Copy of Tax Return sa www.irs.gov.
Mga Tala sa Militarya
- National Archives and Records Administration: 866-272-6272 o www.archives.gov/contact/
Ang mga nakaligtas sa sunog mula sa mga lalawigan ng Fresno, Los Angeles, Madera, Mendocino, Napa, San Bernardino, San Diego, Shasta, Siskiyou at Sonoma na nagtamo ng mga pagkawalan na hindi sakop ng seguro ay maaaring karapatdapat para sa tulong pederal. Ang huling araw na pagpaparehistro sa FEMA para sa tulong ay Dis. 16.
Ang mga nakaligtas ay maaaring magparehistro sa online sa DisasterAssistance.gov; sa pag-download ng FEMA app sa isang smartphone o tablet; o sa pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) sa pagitan ng 7 ng umaga at 10:30 ng gabi PST. Kung gumagamit ka ng isang relay service tulad ng isang videophone, Innocaption o CapTel, ibigay sa FEMA ang particular na numero na nakatalaga sa serbisyo kung ikaw ay magparehistro.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi sa sunog sa California, bumisita sa: caloes.ca.gov at sundan ang Twitter account ng gobernador sa Office of Emergency Services sa twitter.com/Cal_OES, at sa Facebook.com/CaliforniaOES. Para sa FEMA, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4569 at sundan ang FEMA Region 9 Twitter account sa twitter.com/femaregion9 at sa Facebook.com/FEMA.
12/10/2020
###