Ginagamit ng FEMA ang pakinabang sa teknolohiya upang maihatid ang mga programa ng ahensya sa pinakamataas na antas na maaaring matamo, habang pinag-iingatan ang ating mga empleyado at mga nakaligtas. Magsasagawa ang FEMA ng birtuwal na mga inspeksyon sa bahay para sa mga nakaligtas sa Texas, sa mga itinalagang mga lalawigan, na nagtamo ng pinsala pagkatapos ng mga bagyong taglamig na nagsimula noong Peb. 11.
Ano ang Maaasahan Pagkatapos Mag-aplay para sa Tulong ng FEMA
Matapos mag-aplay para sa tulong sa FEMA, ang mga Texans na hindi nakaseguro o may hindi sapat na seguro ay maaaring tawagan upang maitakda ang isang birtuwal na inspeksyon ng bahay para sa mga aplikante na nag-ulat na ang kanilang bahay ay hindi ligtas, malinis o gumagana.
Ang mga aplikante na nagbigay ng ulat ng kanilang sarili noong pagpaparehistro na nakatanggap sila ng maliit na pinsala at maaari silang tumira sa kanilang mga bahay ay hindi awtomatikong maitatakda para sa isang inspeksyon sa bahay. Sa halip, sila ay makatatanggap ng isang sulat sa FEMA na nagpapaliwanag na maaari silang tumawag sa FEMA helpline sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585) upang humiling ng isang inspeksyon kung nakita nila na may pinsalang malaki na dulot ng sakuna sa kanilang bahay pagkatapos nilang mag-aplay.
Ano ang Maaasahan Habang may Birtuwal na Inspeksyon
Ang mga inspektor ay mag-uumpisa ng proseso ng birtuwal na inspeksyon sa pamamagitan ng pagtawag sa aplikante sa numero ng telepono na nakalista sa aplikasyon. Tatanungin ng inspektor ang aplikante kung gusto nilang gamitin ang inspeksyon at sa maraming kaso ay maaari nilang ialok ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng bidyo na gamit ang Apple Face Time o Zoom Video Communications. Ang mga inspektor ay sinanay na tumulong sa mga aplikante na mag-download at/o sumali sa Zoom Video kung kinakailangan.
Kung kailangan ng aplikante ang isang makatwirang tulong, kasama na ang pagsasalin ng wika at mga tagasalin ng ASL, maaari silang sumagot sa tanong numero 24 tungkol sa mga taong may kapansanan at ang iba pa na may pangangailangan sa pagkuha at paggamit. Maaari din silang humiling ng tulong o serbisyo sa oras ng inspeksyon o sa anumang oras habang nasa proseso ng pagbawi.
- Ito ay maisasagawa sa pagbigay ng aplikante ng isang numero ng relay service tulad ng isang videophone, Innocaption o CapTel at siguruhin na nasa FEMA ang numero ng telepono na nakasulat sa iyong aplikasyon. Kung ikaw ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng Zoom or FaceTime, maaari kang humiling ng isang tagasalin sa Facetime o isang tagasalin at paglalagay ng kapsyon sa Zoom.
- Ang isang miyembro ng sambahayan, kamag-anak o kaibigan ay maaaring tumulong sa pakikipag-usap sa inspektor.
Habang nag-iinspeksyon ang mga aplikante ay tatanungin ng mga katanungan tungkol sa uri at lawak ng pinsala na natamo. Habang nagpapalabas ng bidyo, ang aplikante ay may pagkakataon na ipakita sa inspektor ang mga lugar ng kanilang interes tulad ng bubong, mga bintana, sahig, kisame, ilalim ng bahay, mga daanan, kakayahang matirhan, mga kuwarto, kasangkapan sa bahay, mga kagamitan sa bahay, mga bagay para sa mga may kapansanan sakop ng Americans with Disabilities Act (tulad ng mga rampa at mga makakapitang hawakan), at iba pa.
- Ang isang bidyo ng pagsusuri ay maaaring isama sa isang panlabas-lamang na inspeksyon, kung kinakailangan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso, mangyaring panoorin ang bidyo sa ibaba upang makita kung ano ang dapat asahan. Bumisita sa pahina ng FEMA YouTube sa: FEMA Uses Technology to Conduct Inspections for Disaster Survivors - YouTube (Gumagamit ang FEMA ng Teknolohiya sa Pagsasagawa ng mga Inspeksyon para sa mga Nakaligtas sa Sakuna-YouTube)
Pagpapasiya
- Batay sa umiiral na pamantayan ng pagiging karapatdapat, maaaring magbigay ang FEMA ng mga gawad para sa mga pagsasa-ayos ng bahay at pagpapalit ng mga ilang mahalagang bagay na mga personal na pag-aari.
- Ang mga gawad para sa mga pagsasa-ayos sa bahay ay ibinibigay batay sa uri ng tirahan at ang mga sagot ng aplikante noong birtuwal na inspeksyon. Ang tulong ng FEMA ay limitado sa paggawa ng mahalagang mga pag-aayos upang masiguro na ang bahay ay matitirhan. Kasama doon ang sala, kainan, palikuran, at ang kasalukuyang ginagamit na mga tulugan.
Kung Hindi Ka Maaaring Gumawa ng Birtuwal na Inspeksyon
- Habang naglalabas ng bidyo ang mga inspeksyon ay isinasagawa sa isang limitadong kapasidad, ang mga aplikante na walang kakayahang makisali sa bidyo sa pamamagitan ng Zoom o FaceTime ay makikipag-usap sa mga inspektor sa pamamagitan ng telepono.
- Kung hindi puwede ang bidyo, magbibigay ng gabay ang inspektor sa paggamit ng isang serye ng mga katanungan upang matulungan na suriin ang pinsala.
Manatiling nakikipag-ugnay sa FEMA
- Bahagi ng proseso ng pagrerehistro sa tulong sa sakuna ng FEMA ay ang pagbibigay ng numero ng telepono ng FEMA na maaaring tawagang muli upang makipag-ugnay sa aplikante para ihanda ang isang birtuwal ng inspeksyon ng bahay dahil sa mga pinsala na dulot ng sakuna at iba pang impormasyon ng helpline.
- Mahalaga na baguhin ang impormasyon sa pagtawag kung ito ay nagbabago. Ang mga aplikante ay maaaring magbago ng impormasyon sa pagtawag sa online sa www.DisasterAssistance.gov, sa pag-download ng FEMA app o sa pagtawag sa numero ng helpline.
- Ang mga aplikante na gumagamit ng isang relay service, tulad ng InnoCaption o CapTel, ay dapat magbigay ng partikular na numero na nakatalaga sa serbisyo. Mahalaga na matawagan sila ng FEMA. Ang mga aplikante ay dapat na may kamalayan na ang mga tawag mula sa FEMA ay maaaring magmula sa mga hindi nakikilalang mga numero.