Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA, may karapatan kang umapela. Minsan ang kailangan mo lang ay magbigay ng karagdagang impormasyon. Narito ang mga tip upang makatulong sa pagsumite ng iyong apela sa FEMA:
1. Alamin ang Iyong Deadline
Mayroon kang 60 araw mula sa petsa ng liham ng desisyon ng FEMA upang isumite ang iyong apela. Bilugan ang deadline sa iyong kalendaryo o sumulat sa iyong sarili ng tala at ilagay ito sa iyong refrigerator o sa console ng iyong sasakyan. Sa sandaling suriin ng FEMA ang iyong apela, maaari kang makatanggap ng isang tawag sa telepono o isang follow-up na sulat na humihingi ng higit pang impormasyon o isang na-update na sulat ng desisyon.
2. Maingat na Basahin ang Liham ng Desisyon ng FEMA Bago Ipadala ang Iyong Apela
Maglaan ng oras upang basahin ang liham ng FEMA mula simula hanggang katapusan. Kung hindi ka naaprubahan, maaaring kailangan ng FEMA ang mga kulang dokumento o impormasyon mula sa iyo, upang patuloy na maproseso ang iyong aplikasyon.
3. Isama ang mga Dokumento Upang Suportahan ang Iyong Apela
Mahalagang magbigay ng mga kopya ng anumang mga dokumentong hiniling ng FEMA kasama ng iyong apela. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang:
- mga dokumento ng seguro, tulad ng saklaw ng patakaran sa seguro, settlement o liham ng pagtanggi
- patunay ng pagkakakilanlan
- patunay ng paninirihan
- patunay ng pagmamay-ari at/o patunay na ang nasirang ari-arian ang iyong pangunahing tirahan sa panahon ng sakuna.
- patunay ng iyong mga pagkalugi na dulot ng sakuna. Ang lahat ng mga dokumento, resibo, singil at mga pagtatantya ay dapat may kasamang impormasyon ng pakikipag-ugnay sa service provider.
Kung kailangan mong magbigay ng karagdagang mga detalye, maaari kang magpadala ng nakumpletong Form ng Kahilingan sa Pag-apela sa Programa ng mga Indibidwal at Sambahayan kasama ng iyong liham ng desisyon sa FEMA o isang pinirmahang sulat ng apela.
4. Isama ang Iyong Pangalan, Numero ng Aplikasyon ng FEMA at Numero ng Kalamidad sa Bawat Pahina ng Mga Dokumentong Isinusumite Mo
Pakisulat ang iyong pangalan, numero ng aplikasyon ng FEMA at numero ng sakuna sa bawat pahina ng lahat ng mga dokumento at ang pagsusumite ng iyong apela sa FEMA. Ang pagsasama ng impormasyong ito sa bawat pahina ng pagsusumite ay nakatutulong upang ayusin ang iyong kaso.
5. Kung Hindi Mo Maipadala ang Apela, Maaari Mong Pahintulutan ang Ibang Tao na Gawin Ito
Kung hindi mo maipadala ang iyong apela, hilingin sa isang tao na gawin ito para sa iyo. Maaaring ito ay miyembro ng iyong sambahayan, isang kaibigan o isang abogado. Kakailanganin mong magbigay sa FEMA ng nakasulat na pahintulot o Awtorisasyon para sa Pagpapalabas ng Impormasyon sa ilalim ng Privacy Act.
Para sa mga rekisito ng FEMA sa pagpapahintulot sa isang ikatlong partido na kumilos sa ngalan mo, tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng video relay (VRS), teleponong may caption o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.
6. Alamin ang Lahat ng Magagamit na Opsyon para Isumite ang Iyong Apela
Ang iyong dokumentasyon ng apela o ang form ng Kahilingan sa Apela ng Programa ng Mga Indibidwal at Sambahayan ay maaaring isumite sa pamamagitan ng fax, sa pamamagitan ng koreo o nang personal sa isang Disaster Recovery Center, o kung mayroon kang online na account sa FEMA, i-upload ang iyong mga dokumento sa elektronikong paraan. Upang mag-set up ng online na account sa FEMA, bisitahin ang DisasterAssistance.gov, i-click ang “Check Status” at sundin ang mga direksyon.
- Sa pamamagitan ng koreo: FEMA, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055
- Sa pamamagitan ng fax: 800-827-8112, Atensyon: FEMA
- Sa personal: Bisitahin ang anumang Disaster Recovery Center upang isumite ang iyong apela. Humanap ng center dito: fema.gov/DRC.