Mga Tanong at Sagot Tungkol sa FEMA Disaster Assistance

Release Date:
October 11, 2022

Tinutulungun ng FEMA Individual Assistance ang mga nakaligtas na magsimula sa pagbangon sa pamamagitan ng paggagawad ng mga pangunahin at mahahalagang pangangailangan. Hangad ng ahensya na magkaroon ang lahat ng tao at pamilya na apektado ng Hurricane Ian na magkaroon ng ligtas, accessible at functional na lugar
na matutuluyan. Hindi pamalit ang FEMA sa insurance. O kaya ay pandoble ng ibang mapagkukunan ng tulong.

Anong tulong ang ibinibigay ng FEMA?

  • Lodging Expense Reimbursement para sa mga gastusin sa hotel; ito ay para sa mga aplikante na hindi wala o kulang ang insurance na hindi makakabalik sa kanilang bahay dahil sa mga pinsalang dulot ng bagyo.
    Magtabi ng mga kopya ng mga resibo.
  • Home Repair/Replacement Assistance para sa mga kawalan o pinsala ng sakuna na hindi sakop ng ibang mapagkukunan ng tulong.
  • Rental Assistance para sa alternatibong tirahan kung hindi mo na matitirhan ang iyong pangunahing tirahan dahil sa pinsala kaugnay ng sakuna.
  • Personal Property Assistance para sa pagkukumpuni o pamalit sa kinakailangan at walang insurance na personal na pag-aari na nasira ng Hurricane Ian.
  • Transportation Assistance para sa mga pangunahing sasakyan na napinsala ng sakuna.
  • Medical and Dental Assistance para sa mga walang insurance na medikal at dental na pangangailangan para
    sa mga kawalan o pinsalang dulot ng Hurricane Ian.
  • Funeral Assistance kaugnay ng pagkamatay na direkta o hindi direktang maituturing na resulta ng bagyo.

Ano ang puwedeng humantong sa pagtukoy bilang "hindi kwalipikado"?

Maaaring kailangan mong magsumite ng karagdagang impormasyon para pabilisin o muling simulan ang proseso ng pagsusuri sa aplikasyon. Kadalasan, itinuturing na "hindi kwalipikado" ang isang aplikasyon dahil sa isang kulang na dokumento. Kasama sa mga halimbawa:

  • Katunayan ng pagkakasakop ng insurance (Declaration Page)
  • Kopya ng kabayaran ng iyong insurance para sa pinsalang dulot ng Hurricane Ian.
  • Katunayan ng pagkakakilanlan (U.S. passport, military I.D., rehistro ng sasakyang de-motor, Social Security card kasama ang I.D. ng pederal o estado, stub ng sweldo na nagpapakita sa kabuuan o bahagi ng iyong Social Security number.)
  • Katunayan ng paninirahan (kasunduan ng pag-upa o pagrenta, mga resibo ng renta, mga utility bill, rehistro ng sasakyang de-motor, atbp. Nagbigay ang FEMA ng higit pang paraan para matugunan ang kinakailangang ito.
  • Katunayan ng pagmamay-ari (kasulatan o titulo, dokumento ng mortgage, polisa ng insurance ng may-ari ng bahay, bill o resibo ng buwis ng pag-aari (property tax), sertipiko o titulo ng manufactured home at mga kontrata ng pagbili ng bahay. Nagbigay ang FEMA ng higit pang paraan para matugunan ang kinakailangang ito.
  • Katunayan na pangunahing tirahan mo ang napinsalang pag-aari nang mangyari ang sakuna.

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa liham sa pagpapasya ng FEMA, puwede kang mag-online sa DisasterAssistance.gov.

o tumawag sa Disaster Assistance Helpline sa 800-621-3362, bukas pitong araw sa isang linggo mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET.

Ano ang inaalam ng inspektor sa FEMA?

Maaaring kailangan ang pag-inspeksyon ng FEMA para malaman kung ligtas, accessible at matitirhan ang isang bahay. Isinasaalang-alang ng FEMA ang mga sumusunod na salik sa pag-alam kung kwalipikado ba ang isang aplikante para sa tulong:

  • Matibay ba ang istruktura ng labas ng bahay, kasama ang mga pinto, bubong at mga bintana?
  • Maayos bang gumagana ang mga sistema ng kuryente, gas, pagpapainit, plumbing, sewer at septic system?
  • Angkop bang tirhan at matibay ang istruktura ng loob ng bahay, kasama ang kisame at mga sahig?
  • May kakayahan ba ang bahay na magamit para sa layunin nito?
  • May ligtas bang access papunta at palabas sa bahay?

Kadalasan, mayroon mang mga pinsalang kaugnay ng sakuna, pero puwede pa ring ligtas na manirahan ang mga residenta sa kanilang bahay.

Bakit mas malaki ang natanggap na pera ng aking kapitbahay kaysa sa natanggap ko para sa pagpapakumpuni?

Iba-iba ang bawat kaso. May ilang salik na nasasangkot, kasama na ang status ng insurance at ang lala at uri ng naidokumentong pinsala.

Hindi kasya ang perang iniaalok ng FEMA para muling maipatayo ko ang aking bahay.

Hindi katulad ng insurance ang tulong ng FEMA. Nagbibigay ang tulong mula sa FEMA ng pera para sa simpleng pagpapagawa para gawing ligtas ang bahay at puwedeng tirhan; halimbawa, puwede kaming magbigay ng mga grant sa iyo para palitan o ipaayos ang mga item na gaya ng mga toilet, mahahalagang utility, bintana, pinto at bubong pero hindi para sa mga kurtina o artwork.

Umuupa ako. Kwalipikado ba ako para sa tulong mula sa FEMA?

Ang mga umuupa na nasira o napinsala ang bahay dahil sa Hurricane Ian ay puwedeng maging kwalipikado
na mag-apply para sa pederal na tulong. Makakatulong ang mga grant ng FEMA para sa mabayaran ang pansamantalang tirahan. Maaari ding maging kwalipikado ang mga umuupa para sa mga grant para palitan o ipaayos ang ilang personal na pag-aari, gaya ng muwebles, mga appliance, damit, mga aklat-aralin o gamit sa
pag-aaral; pagpapalit o pagpapaayos ng mga tool at iba pang kagamitan para sa trabaho na kailangan para sa pagtatrabaho bilang self-employed; mga pangunahing sasakyan; mga gastos na hindi sakop na insurance o sariling gastos na medikal, dental, pangangalaga sa bata, paglilipat at storage.

Puwede bang mag-apply ang aking sambahayan para sa tulong mula sa FEMA kung hindi ako U.S. citizen?

Para maging kwalipikado para sa tulong mula sa FEMA, ikaw o ang isang miyembro ng inyong sambahayan ay dapat na isang U.S. citizen, non-U.S. citizen national o kwalipakadong dayuhan. Gayunpaman, ang mga undocumented na pamilyang may iba't ibang status sa immigration ay nangangailangan lang ng isang miyembro ng pamilya (kabilang ang isang minor de edad) na isang United States citizen, non-U.S. citizen national, o kwalipikadong dayuhan at may isang Social Security number para makapag-apply. Kasama sa isang kwalipikadong dayuhan ang mga sumusunod:

  • Legal na permanenteng residente (holder ng “green card”)
  • Isang asulee, refugee, o dayuhang na-withhold ang pag-deport
  • Dayuhang nakatanggap ng parole sa U.S. sa loob man lang ng isang taon
  • Dayuhang nabigyan ng kondisyonal na pagpasok (ayon sa batas na may bisa bago ang Abril 1, 1980)
  • Entrant mula sa Cuba/Haiti
  • Ilang partikular na dayuhan na nakaranas ng matinding kalupitan o naging biktima ng isang malubhang anyo
    ng pangangalakal ng tao (human trafficking), kabilang ang mga taong may "T" o "U" na visa.

Puwede mag-apply ang mga adult na hindi kwalipikado sa ilalim ng isa sa mga kategorya sa itaas, kabilang ang undocumented, sa ngalan ng isang minor de edad na bata na kwalipikado at may Social Security number. Ang isang menor de edad na bata ay dapat na nakatira kasama ng magulang o tagapangalaga na nag-a-apply sa ngalan niya. Hindi kailangan ng magulang o tagapangalaga na magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa kanilang sariling status sa immigration o maglagda ng anumang dokumento kaugnay ng kanilang status.

Paano kung hindi ako sang-ayon sa pasya ng FEMA?

May karapatan ang bawat aplikante na iapela ang isang pagpapasya ng FEMA. Halimbawa, kung sa palagay mo ay hindi tama ang halaga o uri ng tulong, puwede kang magsumite ng liham ng pag-apela at anumang dokumentong kailangan para suportahan ang iyong claim, gaya ng pagtatantya ng isang kontratista para sa pagpapaayos ng bahay.

Hindi puwedeng doblehin ng FEMA ang tulong na ibibigay sa iyo ng ibang mapagkukunan, gaya ng mga bayad mula sa insurance o iba pang programa. Gayunpaman, kung hindi sapat ang iyong insurance, puwede kang makatanggap ng karagdagang tulong para sa mga hindi natugunang pangangailangan pagkatapos na mabayaran ng mula sa insurance sa pamamagitan ng pagsusumite sa FEMA ng kopya ng kabayaran mula sa insurance o mga dokumento na nagsasaad ng pagtanggi.

Paano ako mag-aapela?

Dapat kang maghain ng nakasulat na apela sa FEMA. Sa nilagdaan at may petsang liham, dapat mong ipaliwanag ang (mga) dahilan ng iyong pag-apela. Puwede ring kasama sa iyong liham sa pag-apela ang:

  • Ang iyong buong pangalan
  • Numero ng sakuna (DR-4673)
  • Address ng pangunahing tirahan bago ang sakuna
  • Ang kasalukuyan mong numero ng telepono at address
  • Ang iyong numero ng rehistro sa FEMA sa bawat pahina ng iyong dokumentasyon

Kung iba at hindi ikaw o isang kasamang nag-a-apply ang susulat ng liham, dapat lagdaan ng taong iyon ang liham ng pag-apela, at dapat kang magbigay sa FEMA ng nilagdaang pahayag na nagbibigay ng awtorisasyon sa taong iyon na kumilos sa ngalan mo.

Dapat na may selyo ng koreo ang iyong liham sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng liham ng pagpapasya (determination letter). Maaaring isumite sa FEMA ang liham sa pag-apela at mga sumusuportang dokumento sa pamamagitan ng fax o koreo, o online kung mayroon kang online account sa FEMA. Para mag-set up ng online account sa FEMA, bumisita sa DisasterAssistance.gov, mag-click sa “Apply Online” at sundin ang mga tagubilin.

  • Sa pamamagitan ng koreo: FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055
  • Sa pamamagitan ng fax: 800-827-8112, Attention: FEMA

 

Mga Madalas Itanong Tungkol sa Mga Sakuna
Mga Karaniwang Sabi-sabi Kaugnay ng Sakuna

Tags:
Huling na-update noong