Lugar ng Pansamantalang Grupong Pabahay ng Kilohana

Release Date:
Nobyembre 22, 2024

Ang FEMA ay nakatuon sa pagbibigay ng pansamantalang pabahay para sa mga nakaligtas sa 2023 Lahaina wildfires. Isang proyekto ang malapit nang makuha ng mga nakaligtas sa wildfire ng Maui – ang grupong pabahay ng Kilohana. Ito ay binubuo ng 167 na modular units.

  • Ang pansamantalang grupong pabahay ng Kilohana ay binuo sa 34 ektarya na pagaari ng estado sa Lahaina sa Fleming Road at Malo Street.
  • Ang Kilohana ay matatagpuan sa tabi ng isa pang pansamantalang grupong pabahay, ang KaLa'i Ola, na binuo ng estado ngHawai'i. Plano ng estado na mag lagay ng mga modular unit para sa hanggang sa 450 na sambahayan.
  • Inihanda ng Hukbong Inhinyerong Sundalo ng US (U.S. Army Corps of Engineers) ang lugar ng Kilohana, at ang FEMA ay nagbibigay ng mga modular unit at namamahala sa mga pansamantalang katangian ng pabahay. 
  • Ang mga unang residente ng Kilohana ay nakatakdang lumipat sa Kilohana Nob. 22, 2024. 
  • Kasama sa lugar ang isang pinagsasaluhang pasilidad sa paglalaba. 
  • Ang mga utilities, serbisyo ng basura, at serbisyo ng koreo ay iaalok din.
  • Ang isang linya ng alkantarilya ay inilalagay din para sa Kilohana, ngunit ito ay itinatayo upang ang iba pang mga bahay sa lugar ay maaari ring kumonekta sa linya. 
  • Noong Nob. 18, 94 na unit na ang dumating sa lugar at inaasahan ang karagdagang mga unit na darating pa sa susunod na ilang linggo. 

Mga Pansamantalang Modular Unit

  • Ang mga unit na dumarating sa Kilohana ay prefabricated, may kasamang mga kasangkapan na isa-, dalawa- o tatlong-silid-tulugan na unit at susunod sa lahat ng mga kinakailangan ng county, estado, at pederal.
  • Nakuha ng FEMA ang mga modular units mula sa tatlong iba't ibang mga vendor: Dynamic, Timberline, at Acuity.
  • Ang mga unit ay ginawa at binuo sa kontinental na Estados Unidos at pagkatapos ay ipinadala sa Maui.
  • Ang mga unit ay dinisenyo upang matugunan ang mga kinakailangan sa Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan.(Americans with Disabilities Act) / Pangkaraniwang Pamantayan sa Pagiging Accessible ng Pederal (Uniform Federal Accessibility Standards) (na nagbibigay daan sa mga pagbabago tulad ng grab bar, roll-in shower, rampa, platform steps, atbp.) Babaguhin ng FEMA ang mga unit kung kinakailangan ng mga nakatira na may access at functional na pangangailangan.
  • Ang bawat unit ay lalagyan ng mga pangunahing kasangkapan kabilang ang kama, mesa sa tabi ng kama, hapag kainan at upuan. 
  • Ang mga modular unit ay itinayo upang tumagal ng hindi bababa sa 30 taon. Kapag hindi na ginagamit para sa pansamantalang pabahay, maaaring ibenta o muling ipamahagi ng FEMA ang mga ito sa mga residente ng Maui upang makatulong sa stock ng pabahay ng isla. 

Background ng Konstruksyon

  • Ang Hukbong Inhinyerong Sundalo ng US (U.S. Army Corps of Engineers) ay nakatanggap ng isang pagtatalaga sa misyon ng FEMA noong Okt. 28, 2023, upang magbigay ng konseptwal na disenyo, paghahanda ng lugar, at konstruksyon ng mahahalagang imprastraktura. Ang FEMA ang may pananagutan sa pagkuha at pag install ng mga aktwal na unit ng pansamantalang pabahay.
  • Ang kontratista ng USACE ay nagsimula ng paghahanda ng lugar noong Mayo 6, 2024.
  • Ang USACE ay bumuo ng isang plano sa lugar para sa 167 pansamantalang mga bahay sa Lahaina, at naglabas ng kontrata noong Abril 11 upang simulan ang pag-install ng kinakailangang imprastraktura upang ilagay ang mga bahay at tanggapin ang mga nakaligtas.
    • Ang Aktarius, LLC dba Dawson AKT ang kontratista 
  • Ang lugar ay ibinigay sa FEMA noong Oktubre 25, 2024. 
  • Ang lugar ng pabahay ay binubuo ng grading ng 34 ektaryang lupa malapit sa Lahaina, sa labas ng Fleming Road, at pagkatapos ay ang pag-install ng mga linya ng tubig at alkantarilya, kuryente at mga kalye upang suportahan ang pansamantalang grupo sa lugar.
  • Ang lugar ay nasa matigas na bato, kaya kinakailangan ang pagpapasabog upang mag-install ng mga utilities at i-grade ang lugar. Ang pagpapasabog ay ginawa ng Blasting Technology, Inc., ng Kīhei, Hawaii.
  • Simula Agosto 12, isinara ang Fleming Road, habang ang kontratista ng USACE ay nagtatrabaho sa pagpapalawak ng alkantarilya at inaasahang muling bubuksan ang mga bahagi nito sa Nob. 22, 2024.
    • Kailangang gumamit ng mga alternatibong ruta kapag ang mga bahagi ng Fleming Road ay nasa ilalim ng konstruksyon.
    • Mangyaring sumangguni sa USACE Community Advisory na may petsang Agosto 5, 2024, para sa mga araw at pagsasara na maaaring makaapekto sa iyo o sa iyong mga kapitbahay.
  • Noong Nob. 5, 2024, ang linya ng alkantarilya ay humigit-kumulang 64% tapos na at ang pag-install ng mga utilities ay humigit-kumulang 78% tapos na. Ang tinatayang petsa ng pagkumpleto ay Marso 15, 2025

Para sa pinakabagong impormasyon sa mga pagsisikap sa pagbawi mula sa wildfire sa Maui, bisitahin ang mauicounty.govmauirecovers.orgfema.gov/disaster/4724 at Hawaii Wildfires - YouTube. Sundan ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update