Libreng Legal na Tulong para sa Mga Taga-New Jersey na Nakaligtas mula sa Bagyong Ida

Release Date:
Disyembre 2, 2021

Libreng legal na tulong ay makukuha ng mga taong humaharap sa mga isyung pambatas sanhi ng mga labi ng Bagyong Ida.

Ang mga residente ng Bergen, Essex, Gloucester, Hudson, Hunterdon, Mercer, Middlesex, Morris, Passaic, Somerset, Union at Warren county na naapektuhan ng kalamidad at walang pambayad sa abogado ay makakakuha ng libreng legal na tulong (abogado) mula sa Legal Services of New Jersey’s (LSNJ) pang-estadong hotline sa www.lsnjlawhotline.org. Ang pang-online na aplikasyon ay maaaring isumite kahit kailan. 

Ang mga residente ay maaari ring tumawag sa LSNJ hotline sa 888-576-5529 (888-LSNJ-LAW). Bukas ito ng 8 n.u. hanggang 5:30 n.h.

Itong serbisyo ay isang ugnayan ng New Jersey State Bar Association, ng American Bar Association’s Young Lawyers Division at FEMA.

Ang mga uri ng makukuhang libreng tulong pambatas ay:

  • Tulong sa pagkuha ng FEMA at iba pang benepisyo mula sa gobyerno para sa mga nakaligtas sa sakuna
  • Tulong sa mga claim sa seguro ng life (buhay), medikal at pag-aari.
  • Pagpalit ng mga will (kahilingan) at ibang mahalagang legal na dokumentong nawala o nasira sa kalamidad.
  • Pagpapayo tungkol sa mga problema ng creditor-debtor (nagpapautang-umuutang).
  • Pagpapayo tungkol sa problema ng landlord-tenant (kasero-umuupa)

Para sa pinakbagong impormasyon bumisita sa fema.gov/disaster/4614. Sundan ang FEMA Region 2 Twitter account sa twitter.com/FEMAregion2.

Tags:
Huling na-update