Pagkatapos mong mag-apply para sa tulong ng FEMA, maaari kang i-refer sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos). Kung ikaw ay hilingin na magsumite ng isang aplikasyon sa pautang ng SBA, may magandang maidudulot kung fill-upan at ipadala ito kaagad.
Kung maaprubahan ka, wala kang obligasyon na tanggapin ang pautang ng SBA ngunit ang hindi pagsasauli ng aplikasyon ay maaaring mag-alis ng iyong karapatan para makatanggap ng iba pang posibleng grant ng FEMA para makabayad sa mga pagpapagawa o pagpapalit ng sasakyan mahalagang gamit sa bahay, at iba pang gastos na naidulot ng sakuna.
1. Ang mga programa ng SBA ay makakatulong sa mga may-ari ng bahay at umuupa, pati na rin ang malalaki at maliliit na negosyo (kabilang dito ang mga may-ari ng apartamento) at mga nonprofit na ahensya.
Ang mga may-ari ng bahay ay maaaring maging kwalipikado hanggang $500,000 sa mababang-interes na pautang para ipagawa o palitan ang kanilang mga bahay. Ang mga umuupa at may-ari ng bahay na nawalan ng personal na gamit sa sakuna ay maaaring maging kwalipikado na humiram nang hanggang $100,000 upang palitan ang mga gamit na kanilang kailangan tulad ng damit o muwebles – kahit sasakyan.
Kung ikaw ay isang may-ari ng negosyo sa County ng Cook Cook County at naapektuhan ka ng bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hukyo 2 at kailangan mo ng tulong pagkatapos ng sakuna, may magandang pagkakataon na makakatulong ang SBA, pero kailangan mo munang mag-apply.
2. Makukuha ang mababang-interes na rate sa sakuna
Maaaring mag-alok ang SBA ng pautang na pasok sa iyong personal na budget. Para sa mga aplikanteng hindi kayang makakuha ng credit sa ibang lugar, ang rate ng interes ay 2.5 % para sa mga pautang sa bahay, 4.0% para sa mga pautang sa negosyo, at 2.375% para sa mga nonprofit na organisasyon. Ang iyong unang bayad ay hindi kailangang bayaran hanggang 12 buwan 12, at walang idadagdag na interes sa loob ng 12 buwan na iyon. Maaari kang magbayad nang hanggang 30 taon at walang penalty sa paunang bayad o bayarin.
Kung mayroon ka nang mortgage sa nasirang pag-aari, makakatulong ang mga espesyalista ng SBA sa pagbibigay ng mababang-interes na pautang na abot-kaya. Sa ibang mga pagkakataon, ang SBA ay kayang refinance (tustusan) ang lahat o bahagi ng kasalukuyang mortgage.
3. Ang pag-fill-up nito ay maaaring magresulta ng karagdagang tulong mula sa FEMA
Sa pagsusumite ng iyong aplikasyon sa pautang ng SBA, mayroon kang karapatang piliin ang buong saklaw ng tulong sa sakuna. Kung ang SBA ay hindi mag-aapruba ng pautang sa iyo – o mag-aapruba lang ng maliit na pautang na hindi sumasaklaw sa lahat ng iyong pangangailangan – maaari kang i-refer sa ibang mga programa para sa mga gawad para palitan ang mga mahalagang gamit sa bahay o palitan o ipagawa ang nasirang sasakyan, bukod sa ibang mga mahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna. Subalit, kung hindi mo isumite ang aplikasyon sa pautang ng SBA, maaaring tumigil ang proseso ng tulong.
4. Ang SBA ang pinakamalaking mapagkukunan ng pondo sa pagbawi
Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ang pinakamalaking mapagkukunan ng pederal na pondo ng pagbawi sa sakuna para sa mga nakaligtas. Ang mga pautang sa sakuna ng SBA ay sumasaklaw sa mga pagkawala na hindi buong binabayaran ng seguro, gawad ng FEMA o iba pang mapagkukunan. Ang mga nakaligtas ay hindi dapat maghintay para sa isang kasunduan sa seguro bago magsumite ng aplikasyon sa pautang ng SBA. Maaari nilang matuklasan na sila ay may kakulangan sa seguro para sa halagang mababawas o mga kinakailangang paggawa at materyales para ipagawa o palitan ang kanilang bahay.
5. Funds to reduce future disaster risks may be available
Ang mga kwalipikadong nanghihiram ng pautang sa sakuna ng SBA ay maaaring piliin na tanggapin ang pinalawak na pondo para pagaanin ang kanilang bahay o negosyo laban sa mga sakuna sa hinaharap. Maaaring madagdagan ang mga pautang sa sakuna ng SBA nang hanggang 20% para makagawa ng pagpapabuti sa gusali.
Maging ikaw ay bumabawi sa isang idineklarang sakuna o nagpaplano nang maaga at nag-iisip kung paano mo mapoprotektahan ang iyong bahay at pamilya, negosyo, at mga kawani, ang tulong sa pagpapagaan ay hindi lamang makakatulong sa iyong makapagpatayo muli at makabalit sa trabaho, kundi pati na rin sa pagpapabuti ng pag-aari na nag-aalis ng pagkasira sa hinaharap o nagliligtas ng mga buhay.
Ang pag-apruba ng SBA sa mga hakbang ng pagpapagaan ay kinakailangan bago makagawa ng kahit anong pagdagdag sa pautang. Libre ang pag-apply, at wala kang obligasyon na tumanggap ng pautang kung ikaw ay maaprubahan.
Ang kahit maliliit na bagay ay makakatulong na patibayin ang iyong bahay o negosyo ngayon upang maiwasan ang pagkasira at hindi inaasahang gastos sa hinaharap.
Matuto pa tungkol sa tulong sa sakuna ng SBA sa https://disasterloanassistance.sba.gov/ela/s/loan-information. Bumisita sa www.fema.gov/disaster/4728 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbawi sa sakuna sa Illinois.