Programang Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA

Release Date:
Agosto 19, 2023

Ang Programa ng FEMA para sa Indibidwal at Sambahayan (Individual Household Program or IHP) ay tumutulong sa mga kwalipikadong indibidwal at sambahayan na may hindi nakaseguro o may kakulangan sa seguro na mga gastusin at matinding pangangailangan na naidulot ng isang idineklarang pederal na sakuna. Ang layunin ng tulong ay para maibalik sa isang ligtas, malinis, at gumaganang tirahan ang isang tahanan. Hindi kayang kopyahin ng Pederal na tulong ang mga benepisyo na ibinibigay ng ibang mapagkukunan, tulad ng seguro, at hindi nito kayang bayaran ang lahat ng naidulot na pagkawala mula sa sakuna. Ang bawat indibidwal ay dapat magrehistro sa FEMA upang matiyak kung sila ay kwalipikado para sa tulong. Magrehistro online sa DisasterAssistance.gov, gamit ang FEMA mobile app, o sa pagtawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay sa bidyo, naka-caption na serbisyo sa telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang numero mo para sa serbisyong iyon.

Tulong Pabahay

Ang Tulong Pabahay ng FEMA ay direktang nagbibigay ng pondo sa mga kwalipikadong indibidwal at sambahayan at maaaring isama ang mga sumusunod na uri ng tulong: 

  • Tulong sa Pag-upa para maka-upa sa isang alternatibong tirahan habang ang isang lumikas na aplikante ay hindi pa nakakabalik sa kanyang pangunahing tirahan na nasira ng sakuna. Maaaring gamitin ang Tulong sa Pag-upa para maka-upa ng bahay, apartamento, bahay na ginawa sa pabrika, sasakyang panlibangan, o tirahan na madaling ginawa. 
  • Pagbayad para sa Ginastos sa Tirahan para sa mga hotel, motel, o iba pang pansamantalang tirahan habang ang isang lumikas na aplikante ay hindi pa nakakabalik sa kanyang pangunahing tirahan na nasira ng sakuna.
  • Tulong sa Pagkukumpuni ng Bahay upang makatulong sa pagpapagawa ng pangunahing tirahan ng may-ari, mga utility, at istruktura ng tirahan para maibalik sa isang ligtas at malinis na matitirahan na kondisyon.
  • Tulong sa Pagpalit upang tulungan ang mga may-ari ng bahay na palitan ang kanilang tinitirahan na pangunahing tahanan kapag ito ay nasira ng sakuna.
  • Pagpapagaan ng Panganib sa ilalim ng IHP: Ang mga may-ari ng bahay na kwalipikado para sa tulong ng IHP ay maaaring makatanggap ng karagdagang pondo mula sa FEMA para sa mga tiyak na hakbang sa pagpapagaan ng panganib. Ipapaalam sa mga aplikante kung sila ay maging kuwalipikado para sa tulong na ito na limitado at ibibigay lamang para sa mga bahagi na nasira ng sakuna at naroon at gumagana bago ng sakuna. Ang kwalipikadong hakbang sa pagpapagaan ay kinabibilangan ng:
    • Pagpapaayos ng bubong upang makatagal sa mga malalakas na hangin at mapigilan ang pagpasok ng tubig.
    • Pag-aangat ng pampainit ng tubig o pugon para maiwasan ang pagkasira mula sa baha sa hinaharap.
    • Pag-aangat o paglilipat ng isang de-koryenteng panel para maiwasan ang pagkasira mula sa baha sa hinaharap.


Tulong sa Ibang Pangangailangan

Ang Tulong sa Ibang Pangangailangan (Other Needs Assistance) ng FEMA ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nakaligtas para sa kanilang mga gastusin sa pangangailangan at malubhang pangangailangan na naidulot ng sakuna. Ang ilang uri ng tulong sa kategoryang ito ay maibibigay lang kung ikaw ay hindi itinukoy o hindi kwalipikado para sa isang pautang sa sakuna mula sa U.S. Small Business Administration (Administrasyon ng Maliliit na Negosyo ng Estados Unidos o SBA).

Ang SBA ay nagbibigay ng mababang-interes, pangmatagalang pautang para tulungan ang mga kwalipikadong aplikante na may pagkawala sa transportasyon, pati na rin ang pondo sa pagpapagawa/pagpapalit para sa pagkasira sa pag-aaring lupain o personal na naidulot ng sakuna. 

SBA na Uri ng Dependent ng Tulong sa Ibang Pangangailangan

Ang mga aplikante lang na hindi kwalipikado para sa pautang ng SBA, o inaprubahan para sa bahagyang pautang lamang, ngunit ang halaga ng pautang ay hindi sapat para tugunan ang mga kinakailangang gastusin o malubhang pangangailangan ng aplikante, ay maaaring maging kwalipikado para sa sumusunod na uri ng tulong:

  • Personal na Tulong sa Pag-aari para ipagawa o palitan ang mahahalagang gamit ng sambahayan na kinabibilangan ngunit hindi limitado sa mga muwebles at aparato, at espesyal na kasangkapan at proteksiyon na damit na kinakailangan ng tagapag-empleyo, at tulong para sa partikular na gamit na itinukoy ng Americans with Disabilities Act (Batas para sa mga Amerikanong may Kapansanan). 
  • Tulong sa Transportasyon para ipagawa o palitan ang kwalipikadong sasakyan na nasira ng sakuna at iba pang gastos na may kaugnayan sa transportasyon. 
  • Grupong Patakaran ng Seguro sa Baha ay binibigay sa mga kwalipikadong aplikante ng Pambansang Direktang Programa ng Seguro sa Baha ng FEMA. Sa katamtamang halaga,  ang mga nakaligtas ay makakatanggap ng pinakamababang halaga ng saklaw sa pagpapatayo at/o laman para sa panahon ng 3-taon na patakaran. 

Hindi-SBA na Uri ng Dependent ng Tulong sa Ibang Pangangailangan 

Maaaring gagawaran ng FEMA hindi alintana sa katayuan ng pautang ng SBA sa sakuna ng aplikante at maaaring kabilang ang: 

  • Tulong sa Libing ay magagamit para sa mga gastos na may kaugnayan sa pagkamatay o pagkagambala na iuugnay nang direkta o hindi direkta sa idineklarang sakuna.
  • Tulong Medikal at Dental para tulungan ang mga gastos sa medikal at ngipin na naidulot ng sakuna, na maaaring isama ang pinsala, sakit, pagkawala ng iniresetang gamot at kagamitan, co-payment sa seguro, o pagkawala/pinsala sa isang panserbisyong hayop. 
  • Tulong sa Pangangalaga ng Bata sa anyo ng isang beses na kabayaran, na sumasaklaw sa hanggang walong pinagsama-samang linggo ng gastos sa pangangalaga ng bata, para sa isang nadagdagan na pasanin sa pananalapi ng isang sambahayan para alagaan ang  mga batang edad 13 o pababa, at/o bata hanggang sa edad na 21 na may kapansanan, na nangangailangan ng tulong sa mga aktibidad sa araw-araw na pamumuhay gaya ng tinukoy ng pederal na batas.
  • Tulong sa Paglipat at Pag-iimbak para mailipat at itago ang mga personal na mahalagang gamit pambahay mula sa nasirang pangunahing tirahan para mapigilan ang karagdagang pagkasira mula sa sakuna, tulad ng patuloy na pagpapaayos, at ang pabalik ng pag-aari sa pangunahing tirahan ng aplikante.   
  • Tulong sa Sari-Sari o Iba Pang Gamit para bayaran ang mga kwalipikadong gamit na binili o inupa pagkatapos ng sakuna para tulungan ang pagbawi ng aplikante sa sakuna, tulad ng pagkuha ng daan papunta sa pag-aari o dekuryenteng lagari o dehumidifier para linisin ang bahay. 
  • Tanda: Ang FEMA ay hindi kayanag bayaran ka para sa nawalang pagkain dahil sa pagkawalan ng kuryente. Subalit, ang mga boluntaryong organisasyon sa iyong komunidad ay maaaring makatulong.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa, bumisita sa www.fema.gov/assistance/individual

Tags:
Huling na-update