Ang mga gawad ng FEMA ay hindi nabubuwisan. Ang pag-aaply para sa tulong sa sakuna ay hindi makakaapekto sa iba pang pederal na benepisyo na maaari ninyong matanggap.
Ang pagtanggap ng isang gawad ng FEMA ay hindi makakaapekto sa pagiging karapat-dapat para sa mga benepisyo ng Seguridad Panlipunan, Medicare, Medicaid, Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP o Programa ng Tulong sa Pandagdag ng Nutrisyon) o iba pang pederal na programa ng benepisyo.
Ang mga gawad sa sakuna ay tumutulong sa mga nakaligtas na magbayad ng pansamantalang pabahay, mahalagang pagpapaayos ng bahay, mahalagang pagpapalit ng personal na pag-aari at iba pang mahalagang pangangailangan na nauugnay sa sakuna na hindi sakop ng seguro o iba pang pinagmulan.
Kung nagtamo ka ng pagkawala mula sa Bagyong Idalia at nakatira ka sa mga county ng Charlotte, Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Hillsborough, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Manatee, Pasco, Pinellas, Sarasota, Suwannee o Taylor, maaaring makatulong ang FEMA.
Tumawag ng libreng toll sa 800-621-3362, pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang App ng FEMA para sa mga mobile na aparato o bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang linya ng telepono ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS o serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Upang makita ang isang naa-access na bidyo kung paano mag-apply, bisitahin ang Tatlong Paraan para Mag-Apply para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube. Ang huling araw para mag-apply ay Oktubre 30, 2023.