Ang mga ipinagkakaloob ng FEMA ay maaaring makatulong sa pagbabayad para sa pansamantalang pabahay. Maaaring kwalipikado din ang mga umuupa para sa isang ipinagkakaloob sa ilalim ng programa ng Tulong sa Iba pang Mga Pangangailangan sa FEMA para sa hindi nakaseguro o kulang sa seguro na mga kawalan ng mahahalagang personal na ari-arian at iba pang mga gastos na nauugnay sa sakuna. Maaaring kabilang dito ang:
- Pagpapalit o pagkukumpuni ng kinakailangang personal na ari-arian, tulad ng mga kasangkapan, gamit, damit, aklat-aralin, o kagamitan sa paaralan.
- Pagkumpuni o pagpapalit ng mga gamit at iba pang kagamitan na nauugnay sa trabaho na kinakailangan ng isang may sariling empleyo.
- Kung ang iyong sasakyan ay nasira ng mga bagyo at hindi na maaaring gumana (at sumusunod ang sasakyan sa mga kinakailangan sa pagpaparehistro at pagseguro ng estado) maaaring makatulong ang FEMA.
- Hindi nakaseguro o mula-sa-bulsang mga gastos sa pagpapalibing, medikal, sa ngipin, pangangalaga sa bata, tulong para sa iba't ibang mga bagay, gastos sa paglipat at pag-iimbak.
Paano Mag-apply para sa Tulong sa FEMA
Hinihikayat ang mga may-ari ng bahay at mga umuupa na mag-apply sa online sa DisasterAssistance.gov, sa pamamagitan ng paggamit ng FEMA App, o sa pamamagitan ng pagbisita sa Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Maaari ka ring mag-aplay sa pamamagitan ng telepono sa 800-621-3362. Ang mga linya ay bukas araw-araw at magagamit ang tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng isang relay service, caption sa telepono o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Para sa isang naa-access na video tungkol sa kung paano mag-apply para sa tulong pumunta sa FEMA Accessible: Application for Individual Assistance - YouTube.
Kung nag-apply ka sa FEMA pagkatapos ng mga Bagyong Debby o Helene at may karagdagang pinsala mula sa Bagyong Milton, kakailanganin mong mag-apply nang hiwalay para sa Milton at ibigay ang mga petsa ng iyong pinakabagong pinsala.
Para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa pagbawi sa Bagyong Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa impormasyon sa pagbawi sa Bagyong Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Sundan ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/ fema.
###
Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago pa man, habang at pagkatapos ng mga sakuna.