Ang FEMA at ang Estado ng Florida ay nagtatrabaho para siguraduhin na ang ga taga-Florida na may mga bahay at pag-aari na masira ng Bagyong Idalia ay may ligtas na lugar na pansamantalang matutuluyan habang sinisimulan nila ang kanilang pagbawi.
Pansamantalang Tulong sa Kanluran ng Estado ng Florida
Ang Dibisyon ng Florida ng Pangangasiwa ng Emerhensya ay nag-anunsyo ng paglunsad ng FloridaRecovers.org para magbigay ng pansamantalang tulong sa kanlungan sa mga taga-Florida na naapektuhan ng Bagyong Idalia. Ang programa ay nagbibigay ng pansamanatalang pagpipilian sa kanlungan — tulad ng trailer na pangbiyahe at kuwarto sa hotel — para sa mga sambahayan na may pangangailanan na hindi natugunan ng seguro o ng programa ng Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA. Ang mga indibidwal na nangangailangan ng tulong sa kanlungan ng Estado ng Florida ay dapat mag-apply para sa Tulong Pang-Indibidwal ng FEMA bago magkumpleto ng isang aplikasyon para sa programang pang-estado.
Itong programa ay maaaring magamit nang hanggang anim na buwan mula sa petsa ng deklarasyon ng sakuna ng pangulo.
Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay ng FEMA
Ang FEMA ay nag-apruba ng Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay sa siyam na county: Dixie, Gilchrist, Hamilton, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Suwannee at Taylor. Ginagawang available nitong programa ang maraming panandaliang solusyon sa pabahay para sa mga nakaligtas sa sakuna. Kinakailangan ng oras upang dalhin, pahintulutan, itayo, at suriin itong mga unit bago sila gawing bukas para matirahan at iyan ang kung bakit mahalagang tulay sa pagbawi ang pang-estadong pansamantalang tulong sa kanlungan.
Ang FEMA ay maaaring mag-alok ng pansamantalang unit ng pabahay tulad ng trailer sa pangbiyahe o bahay na de-gulong. Itong mga unit ay pag-aari ng FEMA na naglalagay ng mga unit sa mga pribadong lugar at sa mga komersyal na parke. Ang mga nakatira ay maaaring maging kwalipikado na manatili dito sa mga unit na ibinigay ng FEMAnang hanggang 18 buwan mula sa petsa ng deklarasyon ng sakuna habang inaasikaso nila ang permanenteng opsyon sa pabahay. Para sa mga kwalipikadong aplikante, itong mga unit ay maaaring pansamantalang ilagay sa mga ilang Espesyal na Lugar ng Panganib sa Bahay bilang huling paraan kung wala nang ibang opsyon na magagamit.
Ang FEMA ay nagbibigay rin ng tulong sa pag-upa para sa mga kwalipikadong nakaligtas para pansamantalang makaupa ng lugar para matirahan.
Para mag-apply para sa tulong ng FEMA, tumawag ng libreng-toll sa 800-621-3362, pumunta sa online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang App ng FEMA para sa mga mobile na aparato o bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Ang linya ng telepono ay bukas araw-araw mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Silangang Pamantayang Oras. Ang tulong ay maaaring makuha sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay tulad ng VRS o serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono o iba pa, ibigay mo sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon.