Tulong sa Nawalan ng Trabaho Dulot ng Sakuna ay Maaaring Makuha ng mga Nakaligtas sa Pagbaha sa Cook County

Release Date:
Agosto 24, 2023

Kung ikaw ay nawalan ng iyong pangunahing kita o hindi mo kayang ipagpatuloy ang iyong trabaho dahil sa malubhang bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2, 2023 sa Cook County, maaari kang maging kwalipikado para sa Disaster Unemployment Assistance (Tulong sa Nawalan ng Trabaho). Ang mga trabahador sa county na itinalaga para sa pederal na tulong sa sakuna ay maaaring maging kwalipikado sa pamamagitan ng pag-apply sa Illinois Department of Employment Security (IDES o Kagawaran ng Seguridad sa Trabaho). And huling araw ng pag-apply ay sa Set. 21.

Mga Kundisyon

Itong pagkakataon ay bukas sa mga taong sa sarili nagtatrabaho, mga magsasaka o trabahador sa bukid na kayang matugunan ang isa sa mga kundisyong ito:

  • Nasira o nawasak ang iyong lugar ng trabaho ng bagyo at pagbaha.
  • Walang magamit na sasakyan papunta sa trabaho bilang direktang resulta ng bagyo at pagbaha.
  • Hindi ka makapunta sa iyong trabaho dahil kakailanganin mong dumaan sa lugar ng sakuna.
  • Pinigilan ka ng sakuna na magsimula sa bagong trabaho. 
  • Nagdusa ang iyong negosyo dahil ang iyong kita ay nakasalalay sa lugar ng sakuna.
  • Hindi mo kayang magtrabaho dahil sa isang pinsala na direktang idinulot ng bagyo at pagbaho. 
  • Ikaw ang naging padre de pamilya o ang pangunahing sumusuporta ng iyong sambahayan dahil ang padre de pamilya ng iyong sambahayan ay namatay dahil sa bagyo at pagbaha.

Mag-apply para sa Tulong sa Nawalan ng Trabaho sa pamamagitan ng pagtawag sa linya ng appointment ng call center ng IDES sa: 217-558-0401.

Tags:
Huling na-update