Mga Legal na Serbisyo sa Sakura

Ang programang Mga Legal na Serbisyo sa Sakura(DLS; Disaster Legal Services) ay awtorisado sa ilalim ng seksyon 415 ng Robert T. Stafford Disaster Relief and Emergency Assistance Act, Pampublikong Batas 93-288, na naging panuntunan sa 42 U.S.C. § 5182, at maaaring isagawa pagka-isyu ng isang matinding kalamidad na idineklara ng Presidente na magsasama ng Pang-indibidwal na Tulong at mag-aawtorisa sa DLS.

Ang DLS ay nagbibigay ng conpidensyal at libreng legal na tulong sa mga nakaligtas na nangangailangan ng legal na tulong dahil sa malubhang kalamidad, pero siyang mga walang paraan na makakuha ng sapat na serbisyong legal. Para sa mga indibidwal na naghahangad ng DLS, walang pormal na proseso sa aplikasyon. Makaka-access ang mga indibidwal sa mga serbisyong ito sa pamamagitan ng pagtawag sa numero na itinalaga para sa isang malubha na kalamidad, na siyang itinatag mula ng awtorisado ang programa. Maliban sa numerong ito, ang mga indibidwal ay maaaring bumisita sa FEMA Disaster Recovery Centers kung saan makikita ang mga DLS na abogado. 

Ang programa ay dapat isagawa nang makatarungan at walang-kinikilingan, walang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o kalagayan sa pananalapi. Ang mga provider ng DLS ay dapat magplano upang matugon ang mga pangangailangan ng mga tao na may access at functional needs, tulad ng mga taong may limitadong kasanayan sa Ingles at mga indibidwal na may kapansanan gaya ng bingi o mahina sa pandinig at maaaring gumagamit ng sign language o captioning.

Ang mga abogado ay mga boluntaryo na nagbibigay sa mga nakaligtas ng legal na counseling, payo, at, kung mainam, legal na representasyon  sa mga kasong walang bayad at hindi kasalungat sa pederal na gobyerno. Ang mga DLS na abogado ay hind mga trabahante ng FEMA. Anumang mga serbisyo o pag-uusap na mangayayari sa pagitan ng nakaligtas at isang DLS na abogado ay konpidensyal at hindi ibabahagi sa FEMA. Kung ang mga boluntaryong abogado ay hindi kayang tulungan ang mga nakaligtas sa kanilang mga legal na pangangailangan dahil sa paksa o usapin at/o oras na magkakaroon ng bayad, isasangguni ang nakaligtas sa mga independiyenteng abogado na makapagbigay ng pro-bono (walang bayad) o mababang bayad na serbisyo sa pamamagitan ng lawyer referral network sa tinamaang ligar. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa programang DLS, mangyaring bumisita sa Mga Legal na Serbisyo sa Sakura Program (americanbar.org).

Sakop sa mga serbisyong karaniwang ibinibigay mula sa DLS ay:

  • Tulong sa mga insurance claim para sa mga bayarin sa doktor at hospital, pagkawala ng ari-arian, pagkasawi, at iba pa.
  • Paggagawa ng mga bagong will at iba pang legal na papeles na nawala sa kalamidad.
  • Tulong sa mga kontrata at kontraktor para sa pagkukumpuni ng bahay.
  • Counseling at payo sa mga bagay tungkol sa kasero/nangungupahan.
  • Administrasyon ng Estado, kabilang ang mga guardianship at conservatorship.
  • Tulong sa mga bagay na nagpoprotekta sa mamimili, mga lunas, at mga pamamaraan.
  • Paghahanda ng powers of attorney at guardianship na materyales.
  • Umaapela ng suporta ang FEMA, tulad ng pagtitiyak at pagtitipon ng mahalagang dokumentasyon.
Tags:
Huling na-update