Sa kahilingan ng State of the Florida, inaprubahan ng FEMA ang Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay, na maaaring ibigay sa mga karapat-dapat na aplikante upang matugunan ang kanilang pansamantalang pangangailangan sa pabahay.
Pagiging Karapat-dapat
Maaaring maging karapat-dapat ang mga aplikante para sa direktang pansamantalang pabahay kung sila ay:
- Mga may-ari ng bahay o nangungupahan na ang bahay ay nakatanggap ng malaking pinsala (makabuluhang pinsala sa istruktura na nangangailangan ng malawakang pag-aayos at hindi ligtas at gumaganang tirahan) o nawasak (kabuuang pagkawala o nasira sa isang lawak na hindi magagawa ang pagkukumpuni) bilang resulta ng kalamidad (batay sa inspeksyon ng FEMA); at
- Ang iyong pangunahing tirahan ay nasa isa sa apat na mga county na itinalaga para sa Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay ng FEMA – Charlotte, Collier, DeSoto at Lee.
Anong Sunod na Mangyayari?
Kung natutugunan ng mga aplikante ang pamantayan para sa direktang pansamantalang pabahay, sila ay kokontakin ng FEMA.
Ang mga aplikante na hindi kwalipikado para sa direktang pansamantalang pabahay ay maaaring kwalipikado para sa tulong sa pag-upa. Ang tulong sa pagpapaupa ng FEMA ay nagbibigay ng pansamantalang tulong pinansyal upang ang mga nakaligtas sa kalamidad ay may matitirhan habang gumagawa sila ng mga plano para sa permanenteng pabahay.
Maaaring Isama ang mga Opsyon sa Direktang Pansamantalang Pabahay
Mga Transportable Temporary Housing Unit
Maaaring maglagay ang FEMA ng travel trailer o Manufactured Housing Unit (MHU) sa isang pribadong lugar o sa isang komersyal na parke. Maaari ding makipag-ugnayan ang FEMA sa State ng Florida at sa mga lokal na opisyal upang magtayo ng mga lugar ng grupo para sa ilang madadala na yunit ng pabahay.
- Ang naaprubahan na mga aplikante para sa isang travel trailer o MHU ay dapat pumirma ng isang Revocable License at Receipt of Government Property bago lumipat sa yunit.
Direktang Pag-upa
Maaaring umarkila ang FEMA ng mga umiiral na, residential property na puwede nang matirhan para magamit bilang pansamantalang pabahay. Maaaring kabilang sa mga karapat-dapat na uri ng property ang mga pagpapaupa sa bakasyon, mga pangkumpanyang apartment, pangalawang tahanan, mga bahay na may iisang pamilya, mga kooperatiba, condominium, townhouse, at iba pang madaling gawang tirahan. Ang direktang pagpapaupa ay para sa mga karapat-dapat na aplikante na ang mga pangangailangan sa pabahay ay hindi matutugunan ng iba pang mga opsyon para sa direktang pansamantalang tulong sa pabahay.
Upa sa Maramihang Pamilya at Pagkukumpuni
Pinopondohan ng FEMA ang pagkukumpuni o pagpapahusay ng mga kasalukuyang bakanteng multi-family rental property na magagamit ng mga kwalipikadong aplikante para sa pansamantalang pabahay.
- Ang mga aplikanteng naaprubahan para sa Upa sa Maramihang Pamilya at Pagkukumpuni o Direktang Upa ay dapat pumirma ng isang pansamantalang kasunduan sa pabahay sa FEMA at isang occupant lease sa may-ari ng property bago lumipat sa yunit.
Maaaring maging karapat-dapat ang mga nakaligtas kahit na hindi sila kwalipikado para sa Transitional Sheltering Assistance (TSA). Ang impormasyon na ibinigay sa FEMA sa oras ng aplikasyon ay sapat para sa FEMA na gumawa ng desisyon sa pagiging karapat-dapat.
Ang FEMA ay makikipagtulungan sa mga karapat-dapat na aplikante upang matiyak na sila ay sumusulong sa isang permanenteng plano sa pabahay habang tumatanggap ng Direktang Pansamantalang Tulong sa Pabahay.