Ang mga nakaligtas sa Hurricane Idalia na naaprubahan para sa Temporary Housing Unit (Pansamantalang Yunit ng Pabahay) ay maaaring manatili sa mga yunit na ibinigay ng FEMA nang hanggang 18 buwan mula sa petsa ng deklarasyon ng sakuna habang nagtitiyak ng permanenteng solusyon sa pabahay. Gayunpaman, dapat nilang sundin ang mga tuntunin at kundisyon ng kanilang Revocable License o Temporary Housing Agreement (Pansamantalang Kasunduan sa Pabahay) sa FEMA.
Ang Pagsunod sa Kasunduan sa Lisensya
- Tanging ang mga taong nakalista sa lisensya ang maaaring manirahan sa pag-aari, at ang lisensya ay hindi maaaring ilipat sa ibang partido. Pinapanatili ng FEMA ang karapatang pumasok sa yunit upang gumawa ng mga inspeksyon o pag-aayos gamit ang 24-oras na abiso. Sa kaso ng emerhensiya, walang kinakailangang abiso.
- Ang kasunduan sa paglilisensya ay nangangailangan sa mga naninirahan na bumuo ng isang maaasahang permanente o mas pangmatagalang plano sa pabahay at magpakita ng patunay ng pag-unlad patungo sa pagkumpleto nitong plano. Kung mangyayaring makukuha na ang pangmatagalang pabahay, maaaring kailanganin ng mga naninirahan na umalis sa pag-aari.
- Ang lahat ng mga naninirahan ng pansamantalang pabahay ay dapat ganap na makipagtulungan sa FEMA upang mag-iskedyul ng mga pulong na tutukoy sa kanilang patuloy na pagiging karapat-dapat. Kabilang dito ang pagbibigay ng karapatan sa pagpasok ng isang may-ari ng lupa upang mabibisita ng FEMA ang nasirang tahanan ng mga naninirahan upang suriin ang pag-unlad ng pag-aayos.
- Kukumpirmahin ng mga pagpupulong sa pagiging karapat-dapat na ang mga naninirahan ay nagkakaroon ng pag-unlad patungo sa isang permanenteng plano ng pabahay. Kasama sa mga halimbawa ng katibayan ng pag-unlad ang mga resibo para sa pag-aayos o isang pinirmahang kontrata ng pag-upa para sa bagong pabahay.
- Hindi pinapayagan ang mga nakatira na mag-imbak o gumamit ng mga pang-ihaw/ihawan, hukay pang-apoy, paputok, tangke ng lpg o iba pang mga nasusunog na sangkap sa loob ng yunit.
- Pinapayagan ang hanggang dalawang alagang hayop.
- Ang mga naninirahan ay hindi maaaring magpinta o magbago ng panloob o panlabas na anyo ng yunit. Gayunpaman, pinapayagan ang mga maliliit na pagsasaayos na kwalipikado bilang normal na pagkasira dahil sa paggamit, tulad ng paglalagay ng maliliit na pako sa dingding upang magsabit ng mga lalagyan ng larawan.
- Ang mga nakaligtas na nakatira sa mga komersyal na parke ay dapat sumunod sa lahat ng mga patakaran at regulasyon ng parke.
- Ang mga paglabag sa mga ito o anumang iba pang mga kondisyon sa kasunduan sa paglilisensya ay maaaring magresulta sa mga bayarin sa parusa o pagwawakas ng kasunduan.
- Ang mga nakaligtas na may mga katanungan tungkol sa kanilang pansamantalang kasunduan sa pabahay o maaaring bawiin na lisensya ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang kawani na nag-aasikaso ng kaso o sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Hurricane Idalia, bisitahin ang floridadisaster.org/updates/at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.