Tulong sa Kritikal na Pangangailangan

Release Date:
Oktubre 8, 2022

Ang mga agaran o kritikal na pangangailangan ay mga item na nakakapagligtas-buhay at kailangan para mabuhay, kabilang ang tubig, pagkain, first aid, resetang gamot, inumin ng sanggol, diaper, consumable na medikal na suplay, matibay na medikal na gamit, gamit sa personal na kalinisan, at gas para sa transportasyon.

Ang Tulong sa Kritikal na Pangangailangan ay isahang $700 na bayad bawat pamilya.

Maaaring kuwalipikado ang mga aplikante para sa Tulong na Pinakakailangan kung sila ay:

  • Nakakumpleto ng aplikasyon sa FEMA.
  • Nakapagbigay ng beripikasyon ng pagkakakilanlan.
  • Note sa kanilang aplikasyon na may kritikal silang pangangailangan at humihiling ng pinansiyal na tulong.
  • May tirahan bago ang sakuna na nasa lugar na itinalaga para sa Tulong sa Kritikal na Pangangailangan. Nasa Florida, na kasama ang mga residente ng Charlotte, Collier, Desoto, Hillsborough, Lee, Manatee, Osceola, Sarasota, Seminole, at Volusia counties.
Tags:
Huling na-update