Patuloy na Tulong para sa Pansamantalang Pabahay

Release Date:
Nobyembre 13, 2023

Kung nakatanggap ka ng paunang tulong sa paupa mula sa FEMA pagkatapos ng Bagyong Idalia, maaari kang maing kwalipikado para sa patuloy na tulong sa pansamantalang pabahay sa ilalim ng Programang Pang-Indibidwal at Pansambahayan ng FEMA. 

Ang tulong sa paupa na iyong natanggap ay maaaring gamitin para umupa ng bahay, apartamento, bahay na ginawa sa pabrika, sasakyang tirahan, o iba pang tirahan. 

Maaari kang maging kwalipikado para sa patuloy na tulong sa pansamantalang pabahay kung ikaw ay:

  • Ginawaran ng paunang tulong sa paupa at ginamit mo ito ayon sa nilalayon nito.
  • Hindi kayang makabalik sa iyong tirahan bago ang kalamidad dahil ito ay hindi matitirahan, hindi naa-access, o hindi magagamit dahil sa sakuna.
  • Magpakita ng pinansyal na pangangailangan na idinulot ng sakuna.
  • Hindi tumatanggap ng pansamantalang tulong sa pabahay mula sa iba pang mapagkukunan.
  • Nagpapakita na gumagawa ka ng mas pangmatagalan o permanenteng plano sa pahay o magpakita ka ng lag-unlad patungo sa isa. Ang pagtatantya ng kontratista sa pagpapa-ayos ay maaaring tumuro sa pag-unlad, bilang halimbawa.
  • Kung ikaw ay isang may-ari ng bahay, at ang beripikado ng FEMA na pagkawala sa iyong pag-aari ay katumbas o higit pa sa halaga ng paunang gawad ng Tulong sa Paupa, awtomatikong ipapadala sa iyo ang Aplikasyon para sa Patuloy na Pansamantalang Tulong sa Paupa humigit kumulang dalawang linggo pagkatapos inapruba ang paunang gawad sa paunang Tulong sa Paupa.
  • Kung ikaw ay umuupa, kailangan mong kontakin ang FEMA at hingan ito ng isang Aplikasyon para sa Patuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay.

Ang mga aplikante ay dapat magsumite ng sumusunod na dokumento na may kompletong aplikasyon:

  • Kita bago at pagkatapos ng kalamidad para sa mga miyembro ng pabahay na 18 -taong gulang at higit pa.
  • Patunay ng gastos sa pabahay bago ng kalamidad (kopya ng bill ng upa at utility, seguro ng umuupa, pahayag ng mortgage, buwis sa real estate na seguro sa bahay, atbp.).
  • Patunay ng gastos sa bahay pagkatapos ng kalamidad (kopya ng kasalukuyang upa o kasunduan sa pag-upa na pinirmahan ng aplikante at panginoong may lupa).
  • Ang form ng aplikasyon at sumusuportant dokumento ay dapat ibalik sa FEMA gamit ang isa sa mga sumusunod na paraan:
    • I-upload sila sa account sa sakuna ng aplikante sa DisasterAssistance.gov.
    • Ipadala sila sa koreo sa FEMA, PO Box 10055, Hyattsville, MD 20782-8055.
    • O bisitahin mo ang iyong pinakamalapit na Sentro ng Pagbawi sa Sakuna para fill-upan o pagsumite ng aplikasyon.

Ang mga Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ay nagbibigay ng isa-sa-isang tulong sa mga taong naapektuhan ng Bagyong Idalia. Bilang karagdagan sa mga nakapirming lugar, ang mga sentrong de-gulong ay kumikilos sa kalamidid. Para makahanap ng sentro na malapit sa iyo, bisitahin mo ang fema.gov/drc o floridadisaster.org.

Tags:
Huling na-update