4750-DR-CA Public Notice 001

Notice Date

Ang Ahensya ng Pederal na Emerhensya na Pamamahala (FEMA) ng E.U. Kagawaran ng Seguridad sa Sariling Bayan ay nagbibigay ng abiso sa publiko sa layunin nitong magbigay ng tulong sa layunin nitong magbigay ng tulong pinansyal sa Estado ng California, lokal at Indian na pantribung pamahalaaan at mga pribadong hindi kumikita na organisasyon sa ilalim ng deklarasyon ng malaking kalamidad ng FEMA--4750-DR-CA. Ang paunawang ito ay nalalapat  sa Pampublikong Tulong (PA) at sa mga programa ng Grant ng Pagbabawas ng mga Panganib na ipinatupad sa ilalim ng autoridad ng Robert T. Stafford  na Tulong sa Sakuna at nang Batas para sa Pang-emerhensya na Tulong, 42 U.S.C. §§ 5121-5207. Ang pampublikong abiso na ito ay may kinalaman sa mga aktibidad na maaaring makaapekto sa mga makasaysayang ari-arian, mga aktibidad na nasa o nakakaapekto sa mga lugar ng wetland o sa 100-taong pagbaha, at mga kritikal na aksyon sa loob ng 500-taong pagbaha. Ang mga aktibidad na ganito ay maaaring makaapekto nang masama sa isang makasaysayang ari-arian, pagbaha, o wetland, o maaaring magresulta sa patuloy na kahinaan sa pinsala ng baha.

I. Pampublikong Paunawa – Deklarasyon ng Malaking Panganib ng FEMA-4750-DR-CA at Pangkalahatang-ideya ng Awtorisadong Tulong 

Idineklara ng Pangulo ang isang malaking kalamidad para sa Estado ng California noong Nobyembre 21, 2023, bilang resulta ng pagbaha na bunga ng Bagyong Hillary na nagsimula noong Agosto 19, 2023, at natapos noong Agosto 21, 2023, alinsunod sa kanyang awtoridad sa ilalim ng Robert T. Stafford na Tulong sa Kalamidad at Batas para sa Pang-emerhensyang Tulong, Pub. L. No. 93-288 (1974) (na-codify bilang naamyendahan sa 42 U.S.C. § 5121 et seq. (Batas ng Stafford).

Itinalaga ang deklarasyon na ito bilang karapat-dapat para sa Pampublikong Tulong, Kategorya A at B na emerhensyang trabaho, at C hanggang G na permanenteng trabaho, para sa mga sumusunod na County: Imperial, Inyo, Kern, Riverside, at Siskiyou Counties. Ang mga karagdagang county ay maaaring italaga sa ibang araw.

Ang Programa ng Grant para sa Pagbabawas ng Panganib ay magagamit sa buong estado.

Ang Programa para sa Pampublikong Tulong ay pinahintulutan ng Seksyon 403, 406, at 407 ng  Batas ng Stafford. Ang FEMA ay maaaring magbigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng Programa para sa Pampublikong Tulong para sa Estado ng California, mga lokal at Indian na pantribung pamahalaan, at mga pribadong hindi kumikita na organisasyon upang magsagawa ng pag-alis ng mga labi at mga hakbang sa proteksyong pang-emerhensya

Ang Programa ng Grant para sa Pagbabawas ng Panganib ay awtorisado ng Seksyon 404 ng Batas ng Stafford. Sa ilalim ng Programa ng Grant para sa Pagbabawas ng Panganib, maaaring magbigay ang FEMA ng tulong pinansyal para sa Estado ng California, lokal at Indian na mga pamahalaang pantribu, at mga pribadong hindi kumikita na organisasyon upang magpatupad ng mga hakbang sa pagpapagaan upang mabawasan ang panganib ng buhay at ari-arian mula sa mga sakuna sa hinaharap sa panahon ng pagbawi mula sa malaking kalamidad. Sa kurso ng pagbuo ng mga panukala sa proyekto, ang mga susunod na pampublikong paunawa ay ilalathala, kung kinakailangan, para ang mas tiyak na impormasyon ay magagamit.

II. Pampublikong Paunawa – Tulong Pinansyal para sa Mga Aktibidad na Nakakaapekto sa mga Makasaysayang Ari-arian o Matatagpuan sa o na Nakakaapekto sa mga Lugar ng Wetland o mga Pagbaha. 

Ilan sa mga aktibidad kung saan ang FEMA ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng Programa ng Pampublikong Tulong at mga Programa ng Grant para sa Pagbabawas ng Panganib ay maaaring makaapekto sa mga makasaysayang ari-arian, maaaring nasa wetland area o 100-taong baha, at maaaring may kasamang mga kritikal na aksyon sa loob ng 500-taong baha. Alinsunod sa lahat ng kinakailangan ng Patakaran ng Pambansang Pangkapaligiran na Batas (NEPA), ang lahat na pederal na aksyon ay dapat na repasuhin at suriin para sa mga posibleng alternatibo. Dapat ding sumunod ang FEMA sa Utos ng Nakatataas na 11988, Pamamahala ng Pagbaha; Utos ng Nakatataas na 11990, Proteksyon ng Wetlands; ang Pambansang Pagpapanatili ng Kasaysayan na Batas ng 1966, Pub. L. No. 89-655 (1966) (na-codify bilang naamyendahan sa 16 U.S.C. § 470 et seq.) (NHPA); at ang mga regulasyon sa pagpapatupad sa 44 C.F.R. pt. 9 and 36 C.F.R. pt. 800. Ang mga utos ng nakatataas, NHPA, at mga regulasyon ay kailangan ng FEMA sa pagbibigay ng pampublikong paunawa para sa ilang partikular na aktibidad bilang bahagi ng pag-apruba sa paggawad ng tulong pinansyal para sa mga espisipikong proyekto.

A. Mga Pederal na Aksyon sa o Nakakaapekto sa mga Baha at mga Wetland

Natukoy ng FEMA na para sa ilang partikular na uri ng mga pasilidad ay karaniwang walang mga alternatibo sa pagpapanumbalik sa pagbaha/wetland. Ito ang mga pasilidad na nakatutugon sa lahat ng sumusunod na pamantayan: 1) Ang tantya ng FEMA sa halaga ng pagkukumpuni ay mas mababa sa 50-porsiyento ng gastos upang palitan ang buong pasilidad, at mas mababa sa $100,000; 2) ang pasilidad ay hindi matatagpuan sa daanan ng baha; 3) ang pasilidad ay hindi nagtamo ng malaking pinsala sa istruktura sa nakaraang idineklara ng pangulo na kalamidad sa pagbaha o emerhensiya; at 4) ang pasilidad ay hindi kritikal (hal., ang pasilidad ay hindi isang ospital, planta ng pagbuo, sentro ng operasyong pang-emerhensya, o isang pasilidad na naglalaman ng mga mapanganib na materyales). Nais ng FEMA na magbigay ng tulong para sa pagpapanumbalik ng mga pasilidad na ito sa kanilang kondisyon bago ang kalamidad, maliban sa ilang mga hakbang upang mabawasan ang mga epekto ng pagbaha sa hinaharap o iba pang mga panganib ay maaaring isama sa trabaho. Halimbawa, ang isang tulay o pagpapanumbalik ng culvert ay maaaring magsama ng mas malaking pagbubukas ng daluyan ng tubig upang mabawasan ang panganib ng mga washout sa hinaharap. 

Para sa mga nakagawiang aktibidad, ito lamang ang ibibigay na pampublikong paunawa. Ang iba pang mga aktibidad at ang mga kasali na pasilidad na hindi nakatutugon sa apat na pamantayan ay kinakailangang sumailalim sa mas detalyadong pagrerepaso, kabilang ang pag-aaral ng mga alternatibong lokasyon. Ang mga kasunod na pampublikong paunawa tungkol sa mga naturang proyekto ay ilalathala, kung kinakailangan, para ang mas tiyak na impormasyon ay magagamit.

Sa maraming kaso, maaaring nagsimula ang isang aplikante sa pagpapanumbalik ng pasilidad bago ang paglahok sa pederal. Kahit na ang pasilidad ay dapat na sumailalim sa detalyadong pagrerepaso at pagsusuri ng mga kahaliling lokasyon, ang FEMA ay magpopondo ng karapat-dapat na pagpapanumbalik sa orihinal na lokasyon kung ang pasilidad ay gumagana na umaasa sa lokasyon nito sa baha (hal., mga tulay at pier), o pinapadali ng proyekto ang paggamit ng bukas na espasyo, o ang pasilidad ay isang mahalagang bahagi ng isang mas malaking network na hindi praktikal o hindi matipid na ilipat, tulad ng isang kalsada. Sa ganitong mga kaso, dapat ding suriin ng FEMA ang mga posibleng epekto ng hindi pagpapanumbalik ng pasilidad, bawasan ang mga epekto sa pagbaha/wetland, at tukuying pareho na ang isang nangingibabaw na pangangailangan ng publiko para sa pasilidad ay malinaw na higit sa mga kinakailangan sa Utos ng Nakatataas upang maiwasan ang baha/wetland, at ang site ang tanging praktikal na alternatibo Kukumpirmahin ng Estado ng California at mga lokal na opisyal sa FEMA na ang mga iminungkahing aksyon ay sumusunod sa lahat ng naaangkop na pang-estado at lokal na pamamahala sa pagbaha at mga kinakailangang proteksyon sa wetland.

Ang Pampublikong Tulong (PA) Pederal na Pamantayan ng Pamamahala sa Panganib sa Baha (FFRMS) na bahagyang patakaran sa pagpapatupad, na epektibo para sa lahat ng malalaking kalamidad na idineklara noong o pagkatapos ng Hunyo 3, 2022, ay nalalapat sa mga proyekto ng PA sa 1% na taunang posibilidad ng pagbaha (1% at 0.2% na taunang pagkakatao ng pagbaha para sa mga kritikal na aksyon) na kinasasangkutan ng bagong konstruksyon ng mga istruktura, mga istruktura na may malaking pinsala, o mga istruktura na nangangailangan ng malaking pag-aayos. Nalalapat ang patakaran anuman ang sanhi ng pinsala.

Ang Tulong sa Pagbabawas ng Panganib (HMA) na patakaran sa bahagyang pagpapatupad ng FFRMS ay nalalapat sa mga hindi kritikal na aksyon kasama ang pagtataas ng istraktura, tuyo na floodproof, at pagpapagaan ng pagpapatayong muli sa 1% na taunang pagkakatao ng baha. Para sa lahat ng mga programa at uri ng proyekto ng FEMA, kung ang isang estado, lokal, pantribu, o panteritoryo na pamahalaan ay may sariling mas mataas na pamantayan sa pagtataas, kinakailangang gumamit ng mas mataas na pamantayan ang FEMA. Ang mga patakaran ng programa ng FEMA ay tumutukoy din sa mga karagdagang kodigo at pamantayan na pinagkasunduan, tulad ng ASCE-24-14, na nagsasama ng mga karagdagang kinakailangan sa pagtataas na lampas sa basehan na pagtataas ng baha.

B. Mga Pederal na Aksyon na Nakakaapekto sa Mga Makasaysayang Pag-aari

Ang Seksyon 106 ng NHPA ay nag-aatas sa FEMA na isaalang-alang ang mga epekto ng mga aktibidad nito (kilala bilang mga gawain) sa anumang makasaysayang ari-arian at bigyan ng pagkakataon ang Paalala ng Konseho sa Pangangalaga ng Kasaysayan (ACHP) na magkomento sa mga naturang proyekto bago ang paggasta ng anumang pederal na pondo. Ang aktibidad ng Programa ng Grant para sa Pampublikong Tulong sa Pagbabawas ng Panganib ay isang “gawain” para sa mga layunin ng NHPA, at ang isang makasaysayang ari-arian ay anumang ari-arian na kasama sa, o karapat-dapat para sa pagsasama sa, Pambansang Rehistro ng mga Makasaysayang Lugar (NRHP). Para sa mga makasaysayang ari-arian na hindi maaapektuhan ng gawain ng FEMA, ito ang tanging pampublikong paunawa. Maaaring magbigay ang FEMA ng mga karagdagang pampublikong paunawa kung ang isang iminungkahing gawain ng FEMA ay makakaapekto sa isang makasaysayang ari-arian.

III. Karagdagang Impormasyon o Komento 

Ang Batas sa Rehabilitasyon ng 1973 ay nagpoprotekta sa mga karapatang sibil ng mga taong may kapansanan. Ipinagbabawal  ng pederal na pamahalaan ang diskriminasyon batay sa kapansanan, mga pederal na kontratista, at ng mga tatanggap ng pederal na tulong pinansyal. Ang sinumang tatanggap o pangalawang tatanggap ng mga pederal na pondo ay kinakailangan na gawing accessible ang mga programa nila sa mga indibidwal na may mga kapansanan. Nalalapat ang mga proteksyon nito sa lahat ng programa at negosyong tumatanggap ng anumang pederal na pondo. Nalalapat ito sa lahat ng elemento ng pisikal/arkitektural, may kaugnayan sa programa at naa-access ang komunikasyon sa lahat ng serbisyo at aktibidad na isinasagawa ng o pinondohan ng FEMA. Nais ng FEMA na sumunod sa Batas sa Rehabilitasyon sa lahat ng pederal na isinasagawa at tinulungang mga programa na naaayon sa mga nangunguna sa buong komunidad na pagsasama at pangkalahatang pag-access.

Ang Utos ng Nakatataas na 13985 and 14008 upang mas paigtingin ang pangangailangan na makamit ang katarungang pangkalikasan at patas na pagtrato sa buong pamahalaan ng pederal. Ang pagpapalabas ng mga bagong utos ng nakatataas mahigit 20 taon pagkatapos lagdaan ang Utos ng Nakatataas na 12898 na nagpapahiwatig ng direktiba ng administrasyon sa mga ahensyang pederal na papanumbalikin ang kanilang lakas, pagsisikap, mapagkukunan, at atensyon sa hustisyang pangkalikasan. Nakikipagtulungan ang FEMA sa mga aplikante/pangalawang aplikante upang tukuyin ang mga komunidad na may mga alalahanin sa Hustisyang Pangkalikasan at magbigay ng paraan para sa mga lokal na grupo at hindi kumikita na may misyon ng Hustisyang Pangkalikasan upang makilala ang sarili upang ang mga Programa ng FEMA ay makapagsimulang makipagtulungan sa kanila sa mga espisipikong proyekto mula sa simula ng proseso ng aplikasyon.

Nais din ng FEMA na magbigay ng pondo ng HMGP sa Estado ng California upang mabawasan ang mga pinsala sa kalamidad sa hinaharap. Maaaring kabilang sa mga proyektong ito ang pagtatayo ng mga bagong pasilidad, pagbabago ng mga umiiral, hindi nasirang pasilidad, paglilipat ng mga pasilidad sa hindi binabaha, demolisyon ng mga istruktura, o iba pang mga uri ng proyekto upang mabawasan ang mga pinsala sa kalamidad sa hinaharap. Sa kurso ng pagbuo ng mga panukala sa proyekto, ang mga susunod na pampublikong paunawa ay ilalathala, kung kinakailangan, para ang mas tiyak na impormasyon ay magagamit.

Gaya ng nabanggit, maaaring ito lamang ang pampublikong paunawa tungkol sa inilarawan sa itaas na mga aksyon sa ilalim ng mga programa ng PA at HMGP. Ang mga taong interesado ay maaaring makakuha ng impormasyon tungkol sa mga aksyon na ito o isang espisipikong proyekto sa pamamagitan ng pagsulat sa opisina ng FEMA Region IX sa FEMA-RIX-EHP-Documents@fema.dhs.gov o sa pamamagitan ng koreo sa Rehiyonal na Opisyal sa Pangkapaligiran, 111 Broadway, Suite 1200, Oakland, CA 94607-4052 sa alinmang address sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng paunawa na ito.

 

Huling na-update