DR 4724 PAUNAWA SA PUBLIKO 001

Notice Date

 MAKUKUHA NA ANG MGA BENEPISYO SA TULONG SA PAGKAWALA NG TRABAHO DAHIL SA SAKUNA

Inihayag ngayon ng Hawaii Department of Labor and Industrial Relations (DLIR) na bilang resulta ng Presidential Disaster Declaration (Deklarasyon ng Sakuna) ni Pangulong Joe Biden noong Agosto 10, 2023, ang kagawaran ay tumatanggap ng mga aplikasyon para sa Tulong sa Pagkawala ng Trabaho dahil sa Sakuna (Disaster Unemployment Assistance - DUA). Maaaring maging kuwalipikado para sa mga benepisyo sa DUA ang mga manggagawa, may-ari ng negosyo, at self-employed na indibidwal sa Maui County na nawalan ng trabaho o nabawasan o naantala ang oras ng kanilang trabaho dahil sa mga malaking sunog o wildfire noong Agosto 8, 2023 at hindi naging kuwalipikado para sa regular na seguro para sa kawalan ng trabaho simula sa linggo ng Agosto 13, 2023 hanggang sa linggong magtatapos sa Pebrero 10, 2024, hangga't ang kawalan ng trabaho ng indibidwal ay patuloy na direktang resulta ng sakuna. Hindi maaaring bayaran nang magkasabay ang regular na seguro para sa kawalan ng trabaho at mga benepisyo sa DUA.

Kasama sa iba pang maaaring maging kuwalipikado para sa DUA ang: (1) mga indibidwal na napipigilang makarating sa lokasyon ng kanilang trabaho o sariling hanapbuhay dahil sa sakuna; (2) mga indibidwal na nakatakdang magsimula o magpatuloy sa trabaho o sariling hanapbuhay ngunit napigilan ng sakuna; kabilang dito ang, at hindi limitado sa, mga nasa industriyang pang-agrikultura at pangingisda; (3) mga indibidwal na naging pangunahing tagasuporta ng isang sambahayan dahil sa pagkamatay ng ulo ng sambahayan dahil sa sakuna; o (4) mga indibidwal na hindi maaaring magsagawa ng mga serbisyo sa pagtatrabaho o sariling hanapbuhay dahil sa pinsalang dulot ng direktang resulta ng sakuna.

Ang kawalan ng trabaho ay direktang resulta ng malaking sakuna kung mayroong: (1) pisikal na pinsala o pagkasira sa lugar ng trabaho; (2) pisikal na kawalan ng access sa lugar ng trabaho dahil sa pagsasara ng pamahalaan sa agarang pagtugon sa sakuna; o (3) kakulangan ng trabaho o pagkawala ng mga kita sa employer o negosyong sariling hanapbuhay na sanhi ng di-tuwirang dulot ng isang major revenue generating entity (entidad na gumagawa ng kita) na nasira o nawasak sa sakuna o matatagpuan sa lugar ng sakuna na isinara ng pamahalaan.

DEADLINE O HULING ARAW NG PAG-APPLY: Lahat ng mga indibidwal na naniniwalang sila ay kuwalipikado para sa DUA ay dapat mag-apply sa lalong madaling panahon. Ang deadline para sa paghahain ng DUA ay 30 araw pagkatapos ng petsa ng anunsiyong ito; samakatuwid, ang mga aplikasyon sa DUA ay dapat isumite nang hindi lalampas sa Setyembre 25, 2023. Ang mga aplikasyong isinumite pagkatapos ng deadline ay ituturing na huli o wala sa oras at ang mga benepisyo sa DUA ay maaaring tanggihan maliban kung magbibigay ang indibidwal ng magandang dahilan para sa nahuling paghahain.

PAANO AT SAAN MAG-APPLY: Ang mga naghahabol o claimant ng DUA ay maaaring mag-apply online sa huiclaims.hawaii.gov/#/ o nang personal. May tulong sa mga aplikasyon sa DUA at iba pang mga form sa alinmang sumusunod na lokasyon:


• Family Assistance Center
Hyatt Regency Maui (Ka’anapali Beach) - Monarchy Ballroom
200 Nohea Kai Drive, Lahaina, HI 96761• Maui Claims Office
54 South High St. Rm. 201, Wailuku, HI 96793-2198
Telepono: (808) 984-8400

• American Job Center Hawaii-Maui
110 Ala’ihi St. #209, Kahului, HI 96732
Telepono: (808) 270-5777


Available o makukuha ang DUA para sa mga kuwalipikadong empleyadong walang trabaho, mga self-employed na indibidwal, mga magsasaka, at mga mangingisda na nakikibahagi sa negosyo sa oras ng sakuna. Ang pagiging kuwalipikado mo para sa mga benepisyo sa DUA ay tutukuyin sa isang linggo-linggo para sa bawat linggong ihahain mo ang iyong paghahabol.
Para sa tulong sa kawalan ng trabaho, ang mga indibidwal ay maaari ring tumawag sa (833) 901-2272 o (808) 762-5751 at (833) 901-2275 o (808) 762-5752.

MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO: Mangyaring maging handa na ibigay ang sumusunod: isang pagkakakilanlang ibinigay ng pamahalaan (lisensiya sa pagmamaneho, pasaporte, kard ng pagpaparehistro ng dayuhan, at iba pa), ang iyong Social Security number, at isang kopya ng pinakakabagong federal income tax form at mga check stub o dokumentasyon upang suportahan na ikaw ay nagtatrabaho o self-employed nang mangyari ang sakuna. Ang nasabing dokumentasyon para sa mga self-employed ay maaaring makuha mula sa mga bangko o mga entidad ng pamahalaan o mga affidavit mula sa mga indibidwal na may kaalaman sa kanilang mga negosyo. Ihanda ang impormasyon ng iyong bangko (tulad ng routing number at account number) dahil ang mga pagbabayad ng benepisyo ay ginagawa sa pamamagitan ng direktang deposito.

KARAGDAGANG IMPORMASYON: Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa pagiging kuwalipikado para sa mga benepisyo sa DUA, pumunta sa website ng DLIR sa http://labor.hawaii.gov/ui/assistance-programs/ o makipag-ugnayan sa:

• Maui Claims Office
54 South High St., Rm. 201, Wailuku, HI 96793-2198
Telepono: (808) 984-8400

Ang mga indibidwal na sadyang nagtago ng mga materyal na katotohanan o sadyang gumagawa ng (mga) maling pahayag upang makakuha ng DUA na hindi sila karapat-dapat ay kakailanganing bayaran ang lahat ng mga benepisyong mapanlinlang na nakolekta at maaaring isailalim sa pag-uusig sa ilalim ng 18 U.S.C. 1001.
Ang mga serbisyo sa muling pagtatrabaho ay maaaring makuha sa pinakamalapit na One-Stop Center:

• American Job Center Hawaii-Maui
110 Ala’ihi St. #209, Kahului, HI 96732
Telepono: (808) 270-5777

Huling na-update noong